𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 22: 𝑯𝒊𝒔 𝒍𝒂𝒔𝒕 𝑾𝒐𝒓𝒅𝒔

1 1 0
                                    

𝒁𝒚𝒓𝒂 𝑷𝑶𝑽

"Levi ano na?! Anong balita kina Zion?!" Sigaw ko kay Levi habang naka upo sa sofa, andito na kami sa apartment ko dahil tapos na ang klase namin.


"Zyra kalma kalang, may tiwala ako kay Zake kaya na nila yon!" Prenteng sagot ni Levi habang nakangiti sa akin.


Agad kung kinuha sa table ang phone niya ng mag vibrate at sinagot.


"We were going to save Zion from the Arceo Mafia, protect the Heiress Levi."


Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zake, Heiress? Arceo Mafia? Anong pinagsasabi niya?!


Agad inagaw ni Levi ang phone niya sa akin at sinagot ng Oo si Zake. Umupo naman ako sa couch dahil sumasasakit ang ulo ko sa nangyayari kumuha naman ng tubig si Levi at ibinigay sa akin yon.


"Zyra, kalma ka lang. Alam ko namang di nila pababayaan si Zake eh sila pa ba?" Tiningnan ko si Levi, napahinga ako ng malalim bago tumayo at pumunta ng kwarto ko.


"Aasahan ko ang sinabi mo Levi, ayokong may mangyaring masama kay Zion. Tama na si Mama at Tita Katharyn ayoko ng dagdagan." Sabi ko bago tuluyang pumasok sa kwarto ko.


Umupo ako sa kama ko at niyakap ang unan, mangyayari ba ulit ang nakaraan? Bakit nangyayari sa akin to? Bakit kailangang may madamay na naman? Wala bang katapusan to? At doon na magsimulang tumulo ang mga luha ko, kanina ko pa gustong umiyak pero pinipigilan ko lang dahil ayokong ipakita kay Levi na mahina ako napangisi ako dahil sa kapekean ko!


Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng mag vibrate ito agad ko namang sinagot ang tawag ng makita kung sino ang caller.


"I'm here at your mother's room. Can you come here?" Agad kung binuksan ang cabinet ko para kumuha ng hoodie at lumabas ng kwarto.


"Zyra saan ka pupunta?" Pinigilan ako ni Levi ng buksan ko ang pinto palabas.


"Samahan mo ko sa Arceo Medical Hospital." Tumango si Levi at sabay kaming lumabas ng apartment ko agad naman niyang pinaharurot ang sasakyan ng makasakay kami.


Nang makarating sa Arceo Medical Hospital agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok roon sinabihan ko naman si Levi na maghintay nalang sa waiting area na sinunod niya naman. Dahan dahan kung binuksan ang kwarto ni Mama at nakita ko si Zeilan na talikod na naka upo habang hawak ang kamay ni Mama.


Tumayo si Zeilan ng maramdaman ang presensya ko at mahigpit akong niyakap, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero dahil sa pagyakap niya sa akin biglang tumulo ang mga luha ko. Kumalas naman si Zeilan sa pagyakap sa akin at hinawakan ang mukha ko.


"Zeilan si Zion, nasa panga....."


"Shhhh don't worry about him, he's safe." Pagpapatahan niya sa akin tiningnan ko naman siya sa mga mata ng sabihin niya yon.


"Ligtas si Zion?" Tumango si Zeilan bilang sagot.


"Zeilan," lumayo ako ng kunti sa kanya ng maalala ang sinabi ni Zake sa tawag "yong Arceo Mafia may alam ka ba tungkol don?"


Bigla akong hinila ni Zake papalapit sa kanya ng may mga pumasok na naka itim na mga lalaki sa kwarto ni Mama.


"Anong gagawin niyo sa Mama ko?!" Sigaw ko sa kanila ng kunin nila si Mama sa patient bed at inilagay sa dala nilang wheel chair.


"Ano ba, bitawan mo ako Zeilan!" Mariing sabi ko ng hilahin ako pabalik ni Zeilan ng sinubukan kung pigilan ang mga naka itim na tao sa pagkuha kay Mama.


Heiress Of The Vergara ClanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang