𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 16: 𝑻𝒉𝒓𝒐𝒏𝒆

1 1 0
                                    

𝒁𝒚𝒓𝒂 𝑷𝑶𝑽

"Aray, pucha!" Daing ko sabay hawak sa ulo taena parang umiikot mundo ko, ilang alak ba na inom ko ka gabi? Tatayo na sana ako para dumiretso ng banyo pero nagulat ako ng makitang nasa kwarto ko ako.



"Shit! Nanaginip ba ako? Pucha sana naman hindi!" Mahina kung sinampal ang itsura ko para mahimasmasan, paano akong napunta sa kwarto ko ako eh nasa bahay ako ni Zeilan! Gago baka sa sobrang lasing ko naglakad ako pauwi rito!



"Ayy gwapong palaka!" Sigaw ko ng makitang niluha si Zion ng pinto, ngumisi naman siya ng marinig mula sa kin yon. "Sumpang palaka pala." Dagdag ko kaya napasimangot siya.



"Hinatid ka ni Zeilan dito, hoy ikaw! Anong ginawa niyo huh? Saan kayo nagpunta? Nagpakalasing ka pa! Di por....."



"Tatahimik ka o isasaksak ko to sayo?" Tinakpan naman niya ang bunganga niya ng ipakita ko sa kanya ang gunting na napulot ko kung saan. "Nasaan siya?"



"Ay wow ako kasama mo pero siya hinahanap mo? Mukhang nagkakamabutihan na ata kayo auh, may pa hatid sundo na ngang nagaganap eh..... Ayyyy shuttaaa! Mananaksak ka talaga! Kaibigan tayo dito auh!!!"



"Bumalik ka ditong kumag ka, bwesit ka!" Sigaw ko sa kanya ng mabilisan siyang lumabas ng kwarto ko, talagang mananaksak ako ingay niya eh!



"Oh ayan kainin mo tsaka inumin mo ito mahal na prinsesa."Lapag niya sa gamot para sa hang-over tsaka soup napairap ako sa kanya, dumiretso agad ako ng kusina ng bumaba galing kwarto. Di na talaga ako iinom ulit promise!



"Siya na nga pinagsilbihan siya pa ang galit." Simangot si Zion kaya napangiti ako ng loko.



"Sorry na baby Zion, thank you." Lukong sabi ko sa kanya na sinakyan niya naman, sarap batukan!



"Nag-alala sina Zake sayo ka gabi ng ihatid ka ni Zeilan dito akala niya may ginawa siyang masama sayo kasi naka bridal style kang nilabas ni Zeilan sa kotse niya kaya ayon sinuntok niya." Napa-awang ang labi ko ng marinig yong chismis ni Zion, wow huh over protected ata ni Zake sakin para suntukin si Zeilan at kasalanan ko yon!



"At ikaw ano ginawa mo? Sila Levi at Kiefron?" Tinuro-turo ko siya ng kutsara kaya umiiwas siya.



"Alangan naman umawat ako? Buhat kaya kita, may ambag naman sina Levi at Kiefron" siningkitan ko siya ng mata "chineer nila sina Zeilan at Zake diba ang saya! Aray!" Agad ko siyang binatukan, ang galing nilang umawat!



"Ang ganda ng ambag niyo!" Binilatan niya ako kaya dinuro ko siya ng kutsara.



At bakit naman ako pag-aawayan ni Zake at Zeilan.


𝒁𝒆𝒊𝒍𝒂𝒏 𝑷𝑶𝑽

"At paano naman kita pagkakatiwalaan?" Tiningnan ko siya ng malamig dahil sa tanong niya, Oo alam kung mahirap magtiwala lalo na't isang Arceo ako!



"Alam na ng tatay ko ang tungkol sa kanya at alam ko rin na alam mo ang kundisyon ng Mama niya," napatayo siya sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa likod ko. "Hindi pa kayo makakakilos kapag hindi siya tumuntong sa trono diba?" Kahit na nasa likod ko siya kitang-kita ko kung paano siya napangisi.



"Mukhang marami ka ng alam auh." Iling niya bago bumalik sa upuan at humarap sa akin. "At alam kung proprotektahan mo siya kagaya ng Mama mo." Oo tama ka, kayang kung isakripisyo ang buhay ko para sa kanya.



"Wag niyong hahayaang mag-isa siya dahil gagawa ng paraan ang tatay ko para makuha siya kahit na nasa akin ang desisyon, alam kung ngayon gumagawa na siya ng paraan para pumayag ako sa gusto niya. Hawak niya ang kapatid ko kaya hindi ako pwedeng kumilos para sa kanya." Nasalin ang tingin niya sa akin mula sa baril na hawak niya at napangiti ng nakakaloko.



Heiress Of The Vergara ClanWhere stories live. Discover now