𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 29: 𝑯𝒆𝒓 𝑳𝒐𝒔𝒕

1 1 0
                                    

𝒁𝒚𝒓𝒂 𝑷𝑶𝑽

"Are you sure you want to be alone?" Tumango ako kay Kuya Zake bilang sagot.


Tinap niya muna ang balikat ko bago maglakad paalis, huminga naman ako ng malalim ng makitang wala na siya.


"Ma." Nang bigkasin ko yon bigla nalang akong nanlumo at sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.


Bago ako pumunta ng Korea napagdesisyonan ko munang bisitahin ang puntod ni Mama sa huling pagkakataon, akala ko kaya ko ng makita siya pero hindi pa pala. Winahing ko ang mga dahong nakatabon sa lapida ni Mama habang umiiyak.


"Ma sorry." Nanginginig na saad ko, sobrang sakit isipin na wala akong nagawa para sa kanya, hindi ko siya naligtas!


Sabi sa akin ni Kuya Zake, hindi nila nakuha ang katawan ni Mama dahil sa malaking pagsabog na naganap sa hospital at mahirap ma identify ang abo nito sa dami ring taong namatay doon. Ang lapida na nasa harapan ko ay ginawa lamang nila para kay Mama, kaya sobrang sakit isipin na ganoon ang kamatayang nakamtan ni Mama at nandon ako ng mga panahong yon pero wala akong nagawa!


"Ma sorry, sorry dahil wala akong nagawa para iligtas ka. Sorry dahil masyado akong nagtiwala sa kanya." Masakit na katotohanan para sa akin na pinagkatiwalaan ko siya, pinagkatiwala ko sa kanya ang kaligtasan ni Mama.


Nagsisisi ako na hindi malang siya pinagdudahan kahit alam ko na ang totoo niyang pagkatao, ang totoo niyang pangalan dahil akala ko iba siya, akala ko hindi siya kagaya ng ama niya pero yon ang malaking pagkakamali ko. Dahil magkapareho lang sila, sakim sa pera at kapangyarihan!


"Sorry Ma." Hindi ko na mapigilang humagulgol, sobrang sakit. Sobrang sakit mawalan ng ina, lalo na kung ang dahilan ng pagkawala niya ay ang lalaking natutunan mo ng mahalin.


"Zyra, let's go." Pinahiran ko ang mga luha ko ng maramdaman ang presensya ni Kuya Zake sa likod ko huminga muna ako malalim bago tumayo.


"Ma, ipinapangako kung pagbalik ko pagbabayaran nila lahat. Papatayin ko siya, pinapangako ko." Mariing sabi ko bago na tumalikod at inunahan ng maglakad si Kuya Zake.


Hahanapin ko siya at sisiguraduhin kung pagsisisihan niyang nakilala niya ako, I will hunt him I swear!


𝒁𝒂𝒌𝒆 𝑷𝑶𝑽

Ramdam ko ang katahimikan ni Zyra simula umalis kami galing puntod ni Mama at makarating nasa mansion, hinayaan ko lang siya na dirediretsong bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng mansion ni di malang niya napansin si Tita Zuri na hinintay siya sa gate to do a hug.


"Is she's fine?" Tita Zuri ask me ng makapasok na din ako sa loob ng mansion, nakita ko namang dumiretso agad si Zyra sa kwarto niya na sinundan ko ng tingin.


"I guess." Sagot ko sa kanya at nag kibit balikat, I know what my sister feel, she wants justice.


"Hahatid mo ba siya sa airport? Mamaya na ang alis niya together with widow." Nakalimutan kung aalis na pala yung kapatid ko, grand ma will brought her there to learn, learn how to become Heiress.


"Oo tita ako hahatid sa kanya." Ayokong mawalay na naman ako sa kapatid ko na di ako nakikita, baka makalimutan na naman niya ako ulit, ayoko non!


Nagpaalam ako kay Tita Zuri na aakyat muna ako sa kwarto ni Zyra tumango naman siya sa akin kaya tinungo ko na ang kwarto niya, huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto ng kwarto niya, it's not locked.


"Zyra?" And there I saw her crying on her bed naka upo siya habang umiiyak, agad naman niya pinunasan ang luha niya ng makita ako.


"Kuya," alinlangan niyang sabi sa akin at ngumiti, napangiwi naman ako that smile looks in pain.


Heiress Of The Vergara ClanDove le storie prendono vita. Scoprilo ora