Kabanata 18

28.8K 1.2K 212
                                    

Kabanata 18

Home

Gusto kong bawiin ang kamay mula sa pagkakahawak ni Nero. Ngunit nang subukan ko, mas lalo niyang hinigpitan ‘yon. Titig na titig ang mama niya sa kaniya. Tila ba mayroon silang pinag-uusapan sa isip nila. Iyong sila lang ang puwedeng makaalam.

Maganda siya. Magandang maganda at hindi halatang may edad na. Kung hindi ko lang alam na anak niya si Nero, iisipin ko na hindi lalagpas ng kwarenta ang edad niya.

Nga lang, mukha siyang mataray. Iyong tipo ng itsura na hindi basta-basta nakikipag usap kahit pa kilala niya ang isang tao. Iyong klase ng ina na sinusuri ang babaeng matitipuhan ng anak niya.

Ramdam kong... hindi ako papasa sa kaniya.

Kumalabog ang pintuan mula sa kabila. Hindi nagtagal at lumabas doon ang isang matangkad na lalaki. Natatandaan ko na siya ‘yong Papa ni Nero.

Lumapit ito sa gawi namin. Gustong magtaasan ng mga balahibo ko nang makita kung gaano kadilim ang mga mata niya lalo pa nang tumingin ito sa akin.

Kamukhang kamukha ni Nero. Hindi ipagkakaila na mag-ama sila. Walang hindi nakuha sa kaniya. Parang pinagbiyak na bunga.

Ma-awtoridad. Makapangyarihan. Iyon ang dating nila sa akin.

“Son...”

Yumakap ang papa ni Nero sa kaniya. Sandali niyang binitawan ang kamay ko. Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata namin ni mama... este ng mama ni Nero.

“Magandang hapon po.” Ngumiti ako sa kaniya.

Tipid rin siyang ngumiti sa akin ngunit hindi bumati pabalik.

Ayos na rin. At least hindi niya ako inignora. One point na rin sa soon to be mother in law ko.

Nagkalas ng yakap si Nero at ang papa niya. Tiningnan ako ni Nero, ang kamay ay mabilis na gumapang sa bewang ko. Tumungo ako nang makita ang pagbaba ng mga mata ng mga magulang niya sa mismong bewang ko.

“Please meet my girlfriend. Her name is Isha.”

Ano ba naman itong si Nero. Agad-agad pakilala? Hindi man lang ako hinayaan ang ayusin ang sarili ko bago ipinakilala. Mukha na akong batang hamog sa ayos ko.

Kung sa bagay. Naabutan na nga kaming magkahawak kamay kanina.

Nag-angat ako ng tingin sa mga magulang niya. Parehas silang nakatitig sa akin, seryoso ang ekpresyon ng mga mukha.

“Isha, these are my parents — Zion and Adrianna Monasterio.”

Muli akong ngumiti sa kanila kahit pa mukhang hindi nila ako gusto.

“Hello po. Ako po si Isha Dela Cruz. Ikinagagalak ko po kayong makilala.”

Tipid na ngumiti ‘yong papa niya sa akin at tumango.

“Where do you live, Isha?” tanong ng mother in law ko.

Itinuro ko ang bahay namin ni auntie. “Taga rito lang rin po. Iyon po ang bahay namin.”

“Since when? Are you a local here-”

“Adrianna...” putol nung papa ni Nero sa mama niya.

Kumunot ang noo ko nang makita ang pagtitinginan nila.

“Dati po akong taga Maynila pero nasunugan po kami kaya kinailangan po lumipat dito. B-Bakit po?”

Nilingon ko si Nero. Napansin ko ang pagbuntonghininga niya bago ako tiningnan. Kumurap kurap ako, nagtatanong. Imbes na sagutin ay hinapit niya ako sa bewang at inilapit pa lalo sa kaniya.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon