Kabanata 19
Unli
Tumayo sina Mama Adrianna mula sa couch. Maging si Papa Zion ay gano’n rin. Tumayo na rin ako habang si Nero ay tamad na nakasalampak pa rin sa couch. Nakatuon pa ang kamao niya sa sentido na para bang tamad na tamad na.
“We’ll go ahead, anak. Sana ay makapunta kayo sa araw na ‘yon. It would mean so much for us.” sabi ni Mama, madamdamin ang mga mata.
Tiningnan ko si Nero, tahimik lang siyang nakatitig sa kung saan na tila ba nag-iisip. Sinulyapan ko si Mama Adrianna. Nagtama ang mga mata namin, pansin ang lungkot doon.
“Please convince him, Isha.”
Ngumiti ako. “Ako po ang bahala.”
Bida-bida ka na naman, Isha. Kapag iyang si Nero ay hindi pumayag, bad shot ka kaagad sa Mama niya. Feeling ko pa naman, isang pagkakamali lang ay aayawan niya na kaagad ako.
Trenta milyon, Mama Adrianna, layuan mo kami ng anak mo.
Hihi. Biro lang. Walang milyon, trenta pesos mayroon.
“I’ll call you once I’m already decided.” sa wakas ay tumayo na si Nero.
Tiningnan ko siya pero nasa mga magulang niya ang atensyon niya. Dumulas ang kamay niya sa bewang ko.
Sumunod ang mga mata ni Papa Zion doon, umangat ang sulok ng labi hindi kalaunan. Sobrang gwapo niya, para talaga siyang si Nero na pina edad. Nga lang, kapag ngumingisi ay parang nagdidilim ang paligid.
“Alright. Bibyahe na kami dahil baka hinahanap na ako ng mga pamangkin mo. Your brother’s twins are at home,” sabi ni Mama. “Please take care of yourself here. Tatawag ako kapag nasa bahay na kami.”
Tanging tango lang ang isinagot ni Nero. Ako naman ay nakangiti lang sa Mama niya kahit hindi naman ako kinakausap. Baka kasi kailangan lagi ako nakangiti para good shot ako sa kaniya.
“Thank you, Isha.”
“Wala pong problema, Mama.”
Kumurap kurap ang mga mata niya. “M-Mama?”
“Naku, hindi po! Sabi ko po ma’am. Sorry po minsan po kasi ay ngo-ngo ako magsalita.”
Natawa si Papa. “She somehow reminds me of Tate.”
Sinong Tate?
Itatanong ko sana kaya lang ay baka isipin na tsismosa na naman ako. Curious lang ako kung sino ‘yon. Baka mamaya ay babae ni Nero ‘yon.
“Tate is my daughter in law. She’s the wife of Reon’s brother. You’ll get to meet her once you go to Manila.”
Tumango tango ako. “Sige po. Nasasabik na po ako makilala ang future family in law ko. Este, ang pamilya po ni Nero.”
Narinig ko ang mahinang tawa ni Nero. Nilingon ko siya at nakitang kagat niya ang ibabang parte ng kaniyang labi habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako pabalik sa kaniya.
Akala ko ay magtatagal ang mga magulang niya dito. Inisip ko pa na dito sila maghahapunan. Magpapakitang gilas sana ako at ipagluluto sila ng adobong manok.
Medyo marunong naman na ako. Medyo lang. Kapag hindi sila nasarapan, sila na lang ang mag-adjust.
Inihatid namin ang mga magulang niya sa labas ng gate. Kung makatayo ako dito ay akala mong wala akong sariling bahay. Sarado na ang tindahan namin. Wala na rin ata pakialam sa akin si auntie kahit pa sa labas ako matulog.
Akala mo po, auntie, natatakot ako? Na sinaraduhan mo po ako ng pinto? Hindi po kaya. Gusto ko pa nga. Para walang choice si Nero kung hindi ang patulugin ako dito sa kanila.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms
RomanceBeing kept in the province of Santa Fe Nueva Vizcaya all throughout his life, Reon Alexis Monasterio had to live away far from his family. Sa takot na mangyari ulit ang bangungot ng nakaraan, nagtiis siyang mag-isa kasama ang mga taong hindi niya ka...