Kabanata 25

22.6K 1K 377
                                    

Kabanata 25

Successful

Halos alas otso na kami ng umaga nagising ni Nero. Hindi lang isang beses may nangyari sa amin kagabi dahilan para abutin kami ng madaling araw.

Ang pangarap kong dumapa, ilang beses niyang tinupad.

Humagikhik ako nang maalala kung gaano ako kinikilig habang pinagmamasdan siyang sambahin ako nang paulit ulit kagabi. Pakiramdam ko ay lalo siyang gumwapo. Pagkatapos, iyong paraan ng paghalik niya, masiyadong nakakaadik. Parang gusto ko na maya’t maya na may mangyari sa amin.

“Isha...”

Hindi na ako nagulat na mukha siyang eksperto pagdating sa ganoong bagay. Halatang may karanasan siya dahil alam niya ang gagawin at hindi na nangangapa.

“Isha...”

Nagmulat ako ng mga mata nang marinig ang boses ni Nero. Nabungaran ko siya na nakatunghay sa akin habang nakatuon ang siko sa unan. Mataman niya akong pinagmamasdan, bahagya pang salubong ang makakapal na kilay.

“Huh?” tanong ko.

“Were you dreaming? Kanina ka pa nakangiti.”

“Kanina pa ako gising. Hindi nga ako nakatulog nang maayos.”

“I’m sorry. Pinuyat kita.”

“Naku! Huwag kang mag-sorry. Ayos nga lang rin sa akin hindi na ako matulog at gagawin ulit natin ‘yon sa maghapon.”

Humalakhak siya. Hinawi niya ang ilang buhok sa pisngi ko at iniipit ito sa gilid ng aking tainga. Titig na titig siya sa akin.

“Unlimited fucking for my baby, huh?”

“Oo. Hindi ba at promise mo sa akin ‘yan?”

Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti. “Yes, but right after we get married.”

“Gano’n na rin ‘yon! Sabi mo nga kapag naikasal na tayo, saka pa lang may mangyayari sa atin. Nasaan na tayo ngayon?”

Pinasadahan niya ng dila ang ibabang parte ng kaniyang labi. Kahit na bagong gising, ang gwapo nitong si Nero. Wala talaga sitwasyon o anggulo na nagmumukha siyang pangit.

“Your fault. You keep on teasing me.”

“Palusot ka! Sadyang marupok ka lang talaga.”

Natawa siya, tumungo at pinatakan ako nang magaan na halik sa aking labi.

“Hindi na ako aangal. Marupok ako pagdating sa’yo.”

Humagikhik ako at ipinulupot ang mga kamay paikot sa batok niya. Marahan ko siyang hinila palapit sa akin at hinalikan sa pisngi bago niyakap.

Lumunok ako, pilit itinutulak ang bikig na bigla na lang sumulpot sa aking lalamunan. Ramdam ko ang paggapang nang mainit na luha sa gilid ng mata. Huminga ako nang malalim para kontrolin ang emosyon.

“Mahal kita, Nero...” bulong ko sa kaniya.

Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko. Sa bawat pagdampi ng hininga niya sa aking balat ay tila ba naghahatid ng ibayong kuryente sa puso ko.

“I love you.”

“Gusto ko tagalog rin ang sagot mo!” natatawang sabi ko.

Sa malalim na boses ay tumawa siya. Iniangat niya ang mukha at tinitigan ako sa mga mata. Kumunot ang noo niya.

“Umiiyak ka?”

Mabilis akong umiling. “Naghikab lang ako kaya medyo naluluha.”

Tila siya hindi kumbinsido sa naging sagot ko. Natawa ako at astang babangon na nang hilahin niya ako dahilan para mahila ako pabalik sa kama. Nagtama ang mga mata namin. Malamlam ang kaniya.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon