Kabanata 40
Leave
"Mama, video mo po ako!" malakas ang boses na sigaw ni Skyler habang nagba-bike siya.
Pansin na pansin ang saya sa mukha niya. Simpleng bagay lang ang pagbibisikleta kung tutuusin pero hindi matutumbasan ng kahit anong yaman o luho ang kaligayahan niya.
That's when I realize that Iife isn't always about money. Na kahit hindi kami mayaman at nag-uumapaw ang pera sa banko, basta nakakakain ng tatlong beses o higit pa sa isang araw ay sapat na sa akin. Mayroon rin naman akong ipon sa bangko. Hindi iyon kalakihan pero mabuti na rin ang mayroon kaysa sa wala.
I'm saving up for Skyler's future. Ilang taon na lang rin at mag-aaral na siya. Bilang ina na walang ibang katuwang sa buhay, nakahanda akong gawin ang lahat maibigay lang ang pangangailangan ng anak ko maging ni Nay Shirley na rin.
Hindi ako aasa kay Nero. Mukhang wala rin naman talaga siyang ideya na may anak siya sa akin. Na anak niya ang batang nakita niya noon sa restaurant. It's better if it stays that way. Mas gusto ko ng tahimik na buhay. A peaceful world only means he has to be out of it.
Dahil bali-baliktarin man ang mundo, hindi ako magkakaroon ng tahimik na buhay kung kasama ko si Nero at ang pamilya niya.
"Kamukhang kamukha talaga ni Nero ang anak n'yo, Isha. Kahit saang anggulo ako tumingin, si Nero lang ang nakikita ko." sabi ni Nay Shirley habang pinagmamasdan namin si Skyler.
"Masiyado pong malakas ang dugo ng mga Monasterio, Nay. Huwag na po tayo magtaka."
Bumuntonghininga siya. Sa ganoong galaw niya ay alam kong may gusto siyang sabihin sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya. Nilingon niya ako at bakas ang lungkot doon.
"Nay, bakit po?"
Tipid siyang ngumiti at umiling. "Naisip ko lang na hindi mo puwede habang buhay na ilihim sa kaniya ang tungkol sa bata. Nag-aalala ako, Isha. Maiksi na lang ang oras ko dito sa mundo. Paano kayo ni Skyer kapag nawala na ako? Sino na ang magiging pamilya n'yo?"
Mabilis na nalukot ang mukha ko sa mga klase ng salitang lumalalabas sa bibig niya.
"Ano po ba iyang sinasabi n'yo? Matagal pa kayong mananatili dito sa mundo kaya huwag kayong magsalita ng ganiyan."
Humigpit ang hawak niya sa aking kamay. Her crinkled lips pursed.
"Ang sinasabi ko lang ay gusto kong maging totoo ka sa lahat ng bagay. Lalong lalo na sa nararamdaman mo. Minsan, sa kagustuhan nating protektahang ang isang bagay o tao, gumagawa tayo ng mga desisyon na hindi natin alam... mas nagiging dahilan para mapahamak tayo. Palagi mong susundin ang puso mo, Isha. Higit sa lahat, huwag mong hahayaan na tumigas ito."
Hindi kaagad ako sumagot. Alam ko ang tungkol sa mga Monasterio ang sinasabi niya. Noon pa man ay ayaw niyang magtatanim ako ng sama ng loob sa kanila — bagay na hindi naman talaga nangyari.
Nahirapan man ako sa buhay, paulit ulit ko man tinanong ang langit kung bakit kailangan ko maranasan ang lahat ng nangyari sa akin noon, hindi kailanman ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila.
Palagi kong iniisip na sa pagitan naming lahat, sila ang mas may karapatan magalit. Sila ang mas may dahilan para magtanim ng sama ng loob. Nagsisi ako. Alam ko sa sarili ko 'yon. Hindi na siguro mahalaga pa na malaman nila pero buong puso akong humingi ng tawad sa kanila.
"Naiintindihan ko po. Pero puwede po ba na huwag tayong maging malungkot ngayon? Birthday po ng apo n'yo at dapat ay masaya tayo."
She finally smiled at me. I leaned forward and embraced her. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba kapag dumating ang panahon na hindi ko na ulit mayayakap ng ganito si Nay Shirley. Sa ilang bagay na kinatatakutan ko, ang mawala siya at si Skyler ang pinaka una.
Naagaw ng pagri-ring ng cell phone ko ang aking atensyon. Bahagya akong kumalas mula sa pagkakayakap kay Shirley para tingnan kung sino ang tumatawag. Naisip ko na kaagad na si Jeremy ito.
Hindi siya nakasama sa pagpunta namin dito sa Mines View Park. Dahil kaarawan ni Skyler ay naisip ko na mamasyal dito kahit na dalawang araw lang. We're staying in a small inn. Medyo malayo ito sa bahay namin kaya nag desisyon akong dito na lang magpalipas ng gabi.
Nang tingnan ang cell phone ay kaagad akong natigilan nang makita kung sino ang tumatawag. Tinitigan ko pa ang pangalan niya na ilang sandali bago ko narinig ang tanong ni Nay Shirley.
"Sino ang tumatawag? Bakit ayaw mo sagutin?"
Wala sa sarili ko siyang tinitigan bago muling nagbaba ng tingin sa cell phone. Huminga ako nang malalim at sinagot na ito.
"Dreya?" bungad ko saka sinulyapan si Nay Shirley. Nagtatanong ang mga mata niya.
"Hi, Isha. Kumusta ka na?" tanong sa akin ni Dreya sa malambing na boses.
"A-Ayos lang naman. I-Ikaw?"
"Ayos lang rin. Si Skyler, kumusta na?"
"Mabuti rin, Dreya."
"Masaya akong marinig iyan. Sana magkita ulit kami kapag may pagkakataon."
Walang sagot na namutawi sa mga labi ko. Years ago, Dreya and I became friends but no one knows about it. Bukod sa sariling pagsisikap, isa sila ni Dashiel ang tumulong sa amin ni Nay Shirley nung mga panahong halos lumubog na kami sa paghihirap. Bukod sa namayapang kaibigan ni Nay Shirley.
Ang totoo niyan, hindi ko gusto tumanggap ng tulong mula sa kanila dahil parte pa rin sila ng mga Monasterio. Aksidente nila akong nakita nung araw na magkausap kami ni Ania. That same day... they found out about the truth.
They tried to help me.
I refused.
They insisted.
Sa huli, hinayaan ko silang pumasok sa buhay namin. Dreya's actually Skyler's god mother. Bumibisita sila minsan sa bahay pero hindi alam ni Skyler na si Dashiel ay pinsan ng ama niya.
Mabuti rin at hindi nagtataka si Skyler na may hawig siya kay Dashiel. Puwede silang mapagkamalan na mag-ama dahil hindi rin nalalayo ang itsura ni Dashiel kay Nero.
"Kapag may pagkakataon..." sagot ko. "Bakit ka nga pala n-napatawag?"
Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. I can hear noises from her background. Kaagad akong naalerto. Sa tuwing tatawag siya ay nag-aalala akong baka nasa paligid niya ang mga matatandang Monasterio. O, kahit pa si Ania.
Alam ko man na madalas sila ni Dashiel sa bahay nila sa Cebu, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala.
"Are you with someone, Dreya?" I asked.
Ayaw ko silang madamay sa gulo namin ng mga Monasterio kung kaya naman bihira lang rin ako makipag usap sa kanila. Kung puwede nga lang, hindi na kahit na kailan.
Dashiel and Dreya both knew about Skyler. Nakiusap ako na huwag na nilang sabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil ayaw kong madamay sila sa galit ni Ma'am Adrianna. Ayaw kong madamay si Dreya lalo pa at alam kong kinakalaban ni Ania ang lahat ng kumampi sa akin.
Sabi ko noon, kung malalaman ni Nero ang katotohanan na buntis ako, gusto kong kay Ania niya mismo ito malaman. Dahil sa kaniya ko ito sinabi. I don't want him to know the truth from Dashiel or Dreya. But then since Nero seems clueless about it, I guess his sister didn't really tell him about my pregnancy that time.
"I'm with Dashiel right now, Isha. He knows that I'm talking to you. We are actually in Baguio with my in-laws because today is their wedding anniversary. Kung hindi mo alam, dito sila ikinasal sa Baguio Cathedral.."
Literal na bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ako kay Nanay Shirley na ngayon ay inaalalayan si Skyler sa pagba-bike.
Iginala ko ang mga mata sa mga tao. Pilit silang hinahanap kahit na hindi ko sila magawang makita.
N-Narito sila sa Baguio? Wala naman siguro dito sa Benguet, hindi ba? Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko sa posibilidad.
"I can actually s-see you right now from where we are. Nasa paligid lang si Mama Cheska, Isha. If you still don't want them to see you and found out the truth, I suggest you and Skyler leave that spot now."
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms
RomanceBeing kept in the province of Santa Fe Nueva Vizcaya all throughout his life, Reon Alexis Monasterio had to live away far from his family. Sa takot na mangyari ulit ang bangungot ng nakaraan, nagtiis siyang mag-isa kasama ang mga taong hindi niya ka...