Kabanata 33

20.2K 1K 163
                                    

Kabanata 33

Options

Nang gabi rin na ‘yon ay nagdesisyon akong tuluyan nang umalis ng Santa Fe. Kahit natutulog na si Yaya Shirley ay kaagad ko siyang ginising. Sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin pang manatili doon hanggang sa kinabukasan. Hindi ko na kakayanin pang makita si Nero kahit pa bago man lang ako umalis. Masiyado nang masakit.

We surely had a formal and mature break up. Inaasahan ko na rin naman talaga na iisa ang magiging desisyon namin dahil kahit sino naman sa lugar niya ay mahihirapan balansehin ang sitwasyon. Oo nga at mahal niya ako. Pero higit na mahal niya ang pamilya niya.

Ilang taon silang hindi nagkasama. Nang dahil sa pamilya ko ay tiniis nila ang mawalay sa isa’t isa. I can understand Ma’am Adrianna’s pain for she was deprived the chance to be with her eldest. At ngayong malaya na silang nakakagalaw at nagkakasama, saka naman ako eeksena. Ako na kadugo ng taong halos pumatay kay Nero.

Kaya dapat lang. Dapat lang na maghiwalay kami gaano man namin kamahal ang isa’t isa. At kung dumating man ang panahon na magkukrus ulit ang mga landas namin... baka nga puwede pa... ulit.

Sana.

“Sigurado ka ba na doon mo gustong tumuloy? Paano kung ipagtabuyan ka niya?” tanong ni Yaya Shirley habang nasa bus kami pabalik ng Maynila.

Bumuntonghininga ako, mabigat ang bawat paghinga. Mugto na ang mga mata ko at ramdam ko ang pananakit ng aking ulo pero pilit kong hindi iniinda.

“Hindi naman po siguro. Wala na rin naman po akong ibang pagpipilian kung hindi doon lang. Wala po akong kamag-anak, ya.”

“Pasensiya ka na. Wala na rin kasi akong alam na puwede nating tuluyan. Alam mo naman na wala na akong pamilya kung hindi ikaw lang.”

Tipid akong ngumiti sa kaniya sa kabila ng awa na nararamdaman.

“Sabi ko naman po sa’yo maiwan ka na lang sa Santa Fe. Ayos lang po ako-”

“Kahit saan ka, Visha, doon din ako. Kakampi mo ako kahit na anong mangyari. Hindi kita pababayaan.”

“Pero ayaw ko po na madamay kayo sa galit ni Mommy kapag dumating tayo doon.”

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. Sa simpleng galaw na ‘yon ay nagawa niyang iparamdam sa akin na nariyan siya. Na may kakampi ako at hindi ko kailangan mag-isa.

“Matagal na akong damay sa kung ano mang mangyayari sa’yo. Magtiwa ka lang, Isha. Magiging maayos rin ang lahat. Matatanggap rin ng Mommy mo na tapos na ang misyon mo sa mga Monasterio at nagbabalik ka na.”

Ginawa kong lakas ng loob ang mga salitang ‘yon ni Yaya Shirley. Nang makarating kami sa tapat ng mismong bahay namin ay literal na naghahabulan ang tibok ng puso ko.

Nag angat ako ng tingin sa may kataasang gate namin. Ang lugar kung saan ako lumaki at nagkaroon ng isip. Lugar kung saan namulat akong mga Monasterio ang sumira ng buhay namin... ang kumuha ng lahat-lahat sa amin. Mga taong naglugmok sa pamilya nina Mommy at Tita Sigrid noon. Na kung hindi pa nakilala ni Mommy si Daddy, nasisiguro kong sa hirap rin ako lumaki.

Mga kwentong puro kasinungalingan lang. Maaaring nalugmok sa kahirapan... ngunit pamilya ko naman pala ang may kasalanan.

I pressed the doorbell twice. Ilang sandali lang at lumabas ang isa pa naming kasambahay at binuksan ito. Namilog ang mga mata niya pagkakita sa akin.

“Ma’am Visha!” bati niya sa akin at malawak na ngumiti.

I smiled back. “Kumusta po, Ate Rita?”

“Maayos naman po. Kayo po? Masaya po ako makita kayo ulit.”

I am not really close with our housemaids. Kay Yaya Shirley lang ako malapit. However, I still treat them as my family. Dahil ang totoo, mas naging pamilya ko pa sila kumpara kina Mommy.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon