Kabanata 58

20.4K 847 81
                                    

Kabanata 58

Ngumiti ako, nahihiya habang pinagmamasdan si Nay Martha na paglagyan ako ng fried rice sa aking plato. Sinabi ko naman sa kaniya na ayos lang kahit ako na lang pero mapilit siya. Si Nero ay abala sa pagtitimpla ng kape naming dalawa. Feeling ko tuloy, spoiled ako sa kanila.

Sa bahay na sana kami ni Nero mag-aalmusal pero kumain na lang daw ulit kami doon. Ang sabi ni Nay Shirley sa text ay gising na si Skyler at pinapakain na rin niya ng almusal.

"Dadalo ang buong pamilya mo sa kaarawan ko, Reon. Nabanggit ba nila sa'yo?"

Mabilis na na nawala ang ngiti sa aking labi nang sabihin iyon ni Nay Martha. Sinulyapan ko si Nero, pansin ang pagkakatigil nito sa ginagawang pagtitimpla.

"Wala na po akong komunikasyon sa kanila."

Napatingin sa akin si Nay Martha, huminga nang malalim hindi kalaunan. Ibinaba niya ang bowl ng kanin sa gitna. The ambiance suddenly became awkward.

Alam ko naman na may posibilidad na magtungo dito ang mga Monasterio dahil pamilya nila si Nay Martha. Pero aaminin ko na umaasa rin ako na hindi sila dadalo, lalo na si Ma'am Adrianna. Ang sabi ni Nero, ang ama niya lang ang nakakausap niya. Pagdating sa mga kapatid, hindi niya sinasagot kahit pa paulit ulit na ang pangungumusta ng mga ito sa kaniya.

"Hindi ninyo puwedeng talikuran ang buong pamilya mo, Reon. Alam kong masama ang loob mo sa kanila dahil sa ginawa nila sa inyo pero ano pa man ang nangyari, pamilya mo pa rin sila... at magiging pamilya mo rin, Isha. Tandaan n'yong ang isang relasyon at pagsasama ay lubos na magiging masaya kung may basbas ng mga magulang mo."

May punto si Nay Martha. Hindi kami habang buhay puwede tumalikod sa pamilya ni Nero. Pinakiramdaman ko ang sarili kung may nakakapa pa ba akong galit para kay Ma'am Adrianna dahil sa ginawa niya noon sa akin.

Siguro ay mayroon pa. Hindi ko alam. Iyon ang totoo. Pakiramdam ko, masasagot lang ang bagay na 'yan kapag nagharap na kami at nag-usap nang masinsinan. With that being said, I won't have a choice but to face them.

To face Adrianna Monasterio.

Tahimik kaming kumain. Nang matapos ay nagpaalam si Nay Martha na papasok sa loob ng kusina. Si Ate Choleng naman ay nasa palengke daw mula pa kanina.

Nakaupo na kami sa couch. Nero was silent while looking at the television. Mukhang nanonood sa balita pero ramdam ko na lagpasan ang tingin niya roon. Malalim ang iniisip.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng hita ko.

"Iniisip mo sila?" panimula ko.

Bumuntonghininga siya at nilingon ako. He brought my hand to his lips and placed a soft kiss there.

"You will meet them again especially my mother. Nag-aalala ako na may masabi siyang hindi mo magustuhan at magdesisyon ka biglang umatras sa relasyon nating dalawa."

Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Bago pa man ako pumayag na makipagbalikan sa'yo, naisip ko nang magkakaharap kami ng Mama mo umiwas man ako. Tama si Nay Martha, hindi mo siya puwedeng talikuran dahil ina mo pa rin siya. Narito ka sa mundong ito dahil sa kaniya..."

He sighed and shook his head. "I just can't accept what she did to you. What she did that made your life miserable."

"Alam kong mabigat sa kalooban alalahanin ang mga nagawa niya noon. Maging ako, Nero. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing maalala ang hirap na dinanas ko dahil sa kaniya pero wala na tayong magagawa doon. Nangyari na. What important is that we're finally back to each other again..." I placed my other hand on his cheek and softly caressed it. "Ito na 'yung balang araw natin, Nero. Hindi na tayo maghihiwalay pa ulit."

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon