Kabanata 41

22.2K 982 82
                                    

Kabanata 41

Wrath

Hindi ako nag-aalala na malaman ng mga Monasterio ang tungkol kay Skyler. Noon pa man ay wala na akong balak na itago sa kanila ang tungkol sa pinagbubuntis ko ngunit masiyadong naging madamot si Ania.

Inalisan niya ng karapatan si Skyler na makilala ang ama nito. Hindi man siya nagkaroon ng buong pamilya, sana ay mayroon siyang ama na nakamulatan.

Hindi ako umasa na magkakabalikan pa kami ni Nero kung sakaling nalaman niya na buntis ako noon. Wala akong ibang naiisip kung hindi ang karapatan ng anak ko na makilala siya. Pero mukhang hindi 'yon ang plano ng tadhana para sa amin.

Oo at hindi ko itatago ngunit ayaw kong malaman ng mga Monasterio ang tungkol  sa katotohanan sa ganitong paraan.

"Salamat, Dreya." Huminga ako nang malalim at ibinaba ang tawag.

Sandali akong natulala habang nakatingin sa kung saan. Mabilis ang ritmo ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Maybe it's because after all these years that passed, no matter how I always tell myself that it would be fine if I face them again, I am still not ready.

I'm still scared of them. Natatakot ako na hanggang ngayon ay galit pa rin sila sa akin. Na sa sobrang galit nila at alam nilang maayos ang buhay ko dito ay pabagsakin nila ako kahit pa nasa ibaba naman talaga ako. Higit sa lahat, natatakot ako na madamay si Skyler.

Sana ay hindi. Their blood still run on his veins after all.

Skyler is also a Monasterio.

"Isha, ano'ng problema?" pukaw ni Nay Shirley sa atensyon ko.

Nilingon ko siya at matipid na ngumiti. "Wala naman po. Uwi na po muna tayo sa inn? Balik na lang po ulit tayo mamaya. Nasaan po si Skyler?"

Lumagpas ang tingin ko sa mga balikat ni Nay Shirley at hinanap ng mga si Skyler. Nakita ko siyang nagba-bike palayo sa direksyon namin nang dire diretso siyang bumangga sa isang tao dahilan para matumba siya.

"Skyler!" sigaw ko at tumakbo palapit sa kaniya.

Ang malalaking hakbang ko ay unti-unting bumagal nang makita ko ang taong ngayon ay tumutulong sa anak ko na tumayo mula sa kalsada.

Nilamon ng kaba ang puso ko nang matanaw si Sir Daniel na hawak si Skyler sa magkabilang braso nito at tila ba kinakausap. Beside him was Ma'am Cheska who looks worried.

Lumunok ako. Nakita ko si Skyler na lumingon sa gawi namin ni Nay Shirley kanina at nagtuturo. Hindi nagtagal at nahanap niya ang mga mata ko.

"Ayun po si Mama ko!" malakas ang boses na sabi ni Skyler.

I saw how Sir Daniel and Ma'am Cheska trace the direction of his finger that led them to me.

Tuluyan na akong tumigil sa paghakbang ng ilang metro na lang ang layo ko sa mag-asawa.

"Mama!" tawag ni Skyler at tumakbo palapit sa akin.

Yumakap siya sa bewang ko at awtomatikong pumulupot ang mga kamay ko sa likuran niya.

Marahang tumayo si Sir Daniel. Si Ma'am Cheska ay titig na titig sa akin, nakaawang ang mga labi at nababahiran nang maraming tanong ang mga mata.

"Isha?" tawag niya sa akin sa malambing na boses.

Tipid akong ngumiti, alanganin. Nanginginig ang mga kamay ko, nag-aalala na baka dito mismo sa lugar na ito ay pagsalitaan nila ako nang hindi maganda.

Pero hindi ganoon ang pagkakatanda ko sa kanila noon. Kumpara kay Ma'am Adrianna, mas kalmado si Ma'am Cheska. Mas mabait siya. Kahit galit na, walang maririnig na kung ano'ng masama mula sa bibig niya.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon