Kabanata 62

20.3K 953 122
                                    

Kabanata 62

"I just want to apologize to all of you. Marami akong naging desisyon noon na alam kong labag sa inyo. I became unreasonable-"

"No, Rian. We understand you. At some point, we realized that you inflicted emotional pain to others specially to Isha because you're hurting, too. We even forgot to ask you if you are okay. We just assumed that the past between you and Sigrid wasn't haunting you anymore. All we saw that time was an evil and selfish woman who can't let her children live the way they want. Please accept our sincere apology."

We are all sitting on the dining area. Matapos ang naging pag-uusap namin ni Ma'am Adrianna sa itaas ay nagdesisyon kaming magtipon tipon dito. Nakakaramdam pa rin ako ng hiya para sa kanilang lahat pero wala na ang pag-aalinlangan. At least now, I can face them without any bad intentions and guilt. Humaharap ako sa kanila ngayon nang totoo.

Mahirap pa rin paniwalaan na nangyari na ito. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako pero sa tuwing ngingitian ako ni Ma'am Adrianna at Ania, kaagad ipinapamukha sa akin ng tadhana na nasa reyalidad ako. Na tapos na ang lahat at wala nang dahilan para magkaroon pa ako ng alinlangan sa relasyon namin ni Nero.

More chances of dapa na talaga ako nito.

"Thank you for giving me the chance to be myself again. Reon and Isha, despite all the things I have done to both of you, umaasa ako na isasali n'yo pa rin ako sa buhay n'yo. Lalo na sa buhay ni Skyler..." she smiled while tears falling down her cheeks. "I still want to do my role as his grandmother. Gusto ko rin magpakananay sa inyong dalawa."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Nero. We both smiled at each other as we faced his mother.

"Walang pumipigil sa'yo, Mama." sagot ni Nero, nangingisi.

"Hi, guys! Welcome to my YouTube channel! At ito na nga, nagkaayos na ang pamilya ng Monasterio — char!" Humalakhak si Tate habang nakahawak sa cell phone niya at kunyari ay nagba-blog. "Kunyari bloggerist!"

Napailing ang lahat.

"Gusto mo maging blogger, Tate?" tanong ni Ania habang may tinitipa sa cell phone niya.

"Parang. Malaki raw kita doon. Baka mas malaki pa sa pagiging interior designer ko." muling humagalpak ng tawa si Tate.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Tate is a successful Interior Designer and Ania is a business woman. Si Dreya ay isang guro. Si Ma'am Adrianna ay isang dentisa habang si Ma'am Cheska ay ubod rin ng yaman. Pakiramdam ko ay masiyado akong maliit kumpara sa kanila. Nakapag aral man ako at nakatapos, ako lang ang walang narating kumpara sa kanila.

Pero hindi naman ito ang tamang oras para mangliit ako sa sarili ko. Hindi naman nasusukat sa propesyon ang buhay. Masiyado lang talaga akong madrama ngayon.

"Naghihirap ka na ba sa akin? As far as I'm concerned, you spent hundreds of thousands yesterday in shopping." taas kilay na sabi ni Zadriel.

"Pera ko naman ginamit ko doon, ah!" nakangusong sagot ni Tate.

"That's the problem. You're not spending the money I am giving you. Para saan pa at nagtatrabaho ako-"

"Ibigay mo sa akin para wala ka nang problema." seryosong sagot ni Ania sa kapatid niya.

Natawa si Alas. "Isa ka rin naman. Hindi mo ginagastos ang mga perang ibinibigay ko sa'yo."

Ngumiwi si Ania. "I spent it last time. I bought the new edition of Channel bag."

Ganito siguro talaga ang usapan kapag mayayaman. Hindi na alam kung saan gagamitin ang pera.

Nakaramdam ako ng haplos sa aking kamay na nasa ilalim ng mesa. I unconsciously glanced at Nero and he was staring intently at me.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon