Kabanata 63

18.6K 857 84
                                    

Kabanata 63

Mula kay Gwyneth ay dumapo ang mga mata sa akin ni Ania. Simpleng tingin mula sa kaniya ay literal na nakakaramdam na ako ng pagkailang. Noon pa man bago pa lang ako humarap sa mga Monasterio, isa siya sa mga pinakainilagan ko bukod kay Ma'am Adrianna.

"She's the ex girlfriend?" she asked all of a sudden.

Isang beses akong tumango.

"Ginugulo kayo?"

"Hindi naman-"

"Uy, Isha! Ano'ng hindi? Nung nakaraan nga lang ay sumugod tayo sa bahay nila para kausapin siya, hindi ba?" singit ni Minerva sa may kalakasan pang boses. "Alam mo kasi, Ming-Ming, itong si haliparot nagtext kay Nero at pinapapunta doon sa bahay niya. Para ano? Para pag-ayusin ng gas stove-"

"Wait. What did you just call me?" tanong ni Tate kay Minerva na bahagya kong ikinatawa.

Hindi naman siya mukhang galit o naiirita. Mukha lang siyang nagulat na may iba na siyang pangalan ngayon.

Minerva blinked her eyes as if she's clueless why Tate is asking her that kind of question.

"Ming-Ming? Iyon na ang pangalan mo. Si Isha si Linny at ako naman si Tuck. Tapos si ate girl naman si Ollie. Kumpleto na ang wonderpets! May sobra pa!" malakas ang boses na sabi ni Minerva. "Sa telepono, may tumatawag! May humihingi ng tulong!"

Humagalpak ng tawa si Tate habang si Ania naman ay kunot na kunot ang noo at nakatingin kay Minerva. Tila ba nagtataka siya kung anong klase ng tao ito.

"Who are those characters? By the way, I'm Tate. You are... Tuck?" natatawang tanong ni Tate.

"Minerva is my name and I'm the queen of Santa Fe! Char. Hindi pala ako. Isa lang akong langaw sa lugar na ito."

Ania was shaking her head and soon bore her eyes back to Gwyneth. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay sa tiyan ko dahilan para mapatingala ako. I saw Nero standing behind me. Nakatingin na siya sa akin.

"What's wrong?" he asked hoarsely.

"Kuya, is that woman your ex girlfriend?" pukaw ni Ania sa atensyon niya.

Lumingon si Nero sa likuran. Papalapit na si Gwyneth kay Nay Martha na ngayon ay nakatingin na sa gawi niya. Naramdaman ko ang pagbuntonghininga ni Nero at nilingon muli ang kapatid.

"Yes, she is."

"Why is she here? Who invited her?"

Sa tono pa lang ng boses ni Ania, halata nang hindi niya gustong narito pa ang nakaraan ni Nero lalo na at narito ako.

"She invited herself I guess?"

"Taga dito ba siya?" Si Tate.

"Oo, ilang metro lang ang layo ng bahay kaya palaging narito! Masiyadong linta! Hay naku!" sagot ni Minerva.

"You seem irritated by her presence..." sabi ni Tate.

"Yes. I am irritated because ano... because..." Kinalabit ako ni Minerva. "Isha, ano nga ulit ingles sa tinarayan ako dati? Sobra naman kasi magsalita itong si Ming-Ming. Malapit na akong duguin!"

Natawa ako. "Mag Tagalog ka na lang kasi."

"But seriously, Kuya, hindi na siya dapat nagpupunta dito lalo na at alam niyang kayo na ulit ni Isha. Ang sabi pa nitong si Tuck ay—"

"Ah, Minerva po ate ghorl. Hindi po Tuck. Code name ko lang po 'yon sa grupo natin." malawak ang ngiti ni Minerva, halatang baliwala sa kaniya ang kasungitan ni Ania.

Bumuntonghininga si Ania saka binalingan muli si Nero.

"I heard that she's still making her way to your life again. That's plainly rude! Naalala ko sa kaniya si Trish. She's Alas' ex girlfriend. Kami na ni Alas pero pumapapel pa rin-"

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon