Kabanata 48

20.9K 905 93
                                    

Kabanata 48

Respect

Sinabi niyang kuntento na siya sa simpleng yakap namin pero pakiramdam ko, kakailanganin niya pa rin ng kausap. Na hindi mawawala sa isang yakap lang ang kung ano mang bigat na nararamdaman niya. He needs someone to talk to... I'm here.

Hindi man maayos ang sitwasyon naming dalawa, binabalot man kami nang matinding sakit dulo ng kahapon, hindi ko ipagdadamot sa kaniya ang karamay sa katauhan ko.

Pero hanggang doon na lang.

Suminghap ako at pinuno ng sariwang hangin ang aking dibdib. My palms are leaning flatly against the hood of his car while staring at the dark sky. It looks like a blanket filled with bright diamonds.

"Mas kumportable ka ba kung hindi tayo mag-uusap?" kalmadong sabi ko, hindi siya tinitingnan.

Ilang minuto na kami dito pero hindi pa rin siya nagsasalita.

Nagpaalam ako kay Nay Shirley na lalabas para makapag usap kami ni Nero. Nagtungo kami sa gilid ng malawak na taniman may kalayuan sa bahay. Walang tao at tahimik. Ako, siya at ang mga bituin lang.

Ramdam kong kailangan namin mag-usap tungkol sa aming dalawa, sa problema niya, sa mga nagpapabigat sa dibdib niya, sa lahat. 

"I honestly don't know what to say. Or where to start." he chuckled raspily. The tone of it was laced with sadness.

Mula sa maliwanag na buwan ay nilingon ko siya. He looks ruthlessly handsome in his black hooded sweatshirt and casual denim jeans. Far from the Reon I know. Close to the Nero I love.

His side profile, pointed nose, hawk like eyes and defined jaw were being lit by the moonlight giving him a dramatic look. Hinding hindi ako magsasawa na pagmasdan siya. The Creator must have spent His entire time creating this man.

"You want me to start then?" I asked.

He sighed and nodded his head. "Start with the lightest please."

Tumango tango ako at ibinalik ang paningin sa langit. Hindi ko maiwasan alalahanin iyong dating kami sa Santa Fe. Noong bago pa lang at puro saya pa lang. Ganitong ganito rin. Sa ilalim nang madilim na langit, walang kotse at nakaupo lang sa damuhan.

Magkayakap noon. Magkatabi na lang ngayon.

"Kumusta ka na?" tanong ko.

"Trying to be okay, I guess."

"Masaya ka ba na nakilala at nakakasama mo si Skyler?"

Mahina siyang natawa. "Is that even a question? If I could just stay with him every fucking second, I would."

Pero hindi posible. Alam niyang malayo siya sa ganoong reyalidad.

"Pasensiya ka na kung hindi mo nalaman kaagad-"

"It's not your fault."

"Alam kong hindi ko kasalanan. Pero pakiramdam ko, Nero, may pagkukulang pa rin ako kung bakit hindi mo nalaman. I tried to call you before for so many times to tell you about my pregnancy. Ni isang beses ay hindi kita na-contact."

"Since the night we broke up, I seldom use my phone. I always turn it off to refrain myself from rereading your messages back when we're still fine. If I didn't do it, I would surely call you from time to time to ask you if we could still go back to each other..." Natawa siya, pansin ang matinding kalungkutan. "But I had to cut my connection with my heart during that time and disobey what it was telling me to do. We both need to heal from the bruises our past gave us."

Wala sa sarili kong kinagat ang ibabang labi. Naiintindihan ko ang paliwanag niya. Ako man noon ay ilang beses na binalikan sa pagbabasa ang mga palitan namin ng message. Sa huli, napagod na rin ako at nagdesisyon na magpalit ng numero at burahin ang kahit na anong kuneksyon naming dalawa. Even our pictures, I deleted them except from our first picture as a couple.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now