Kabanata 70

32.5K 958 113
                                    

This is the last chapter before Wakas. It's exclusive on my Patreon and VIP Group. It will also be available on the physical book under Immac PPH along with special chapters. Thank  you sa mga matyagang naghintay dito sa Wattpad. Mahal ko kayo. ❤️

₱605 | 491 pages (with epilogue, special chapters)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

₱605 | 491 pages (with epilogue, special chapters)

———

Kabanata 70

"Hala! Why are you so beautiful, Linny? Hindi ako ganiyan kaganda nung kasal ko!"

Natawa ako sa busangot na mukha ni Minerva habang pinagmamasdan ko ang sarili sa repleksyon sa salamin. I am wearing an off white wedding dress made of premium lace. Bahagyang kita ang likod ko pero nananatiling mukhang konserbatibo dahil sa long sleeve ito. Nagkasundo si Mommy ay Mama Adrianna sa pagpili nito at totoong maganda.

My hair was down into mermaid curls. Simple lang rin ang make up ko, naaayon lang sa klase ng kasal na mayroon kami.

Nero and I are going to have a rustic theme wedding at the farm field. Hindi ko pa nakikita ang venue dahil sinabi ni Mama Adrianna na supresa na lang daw ito.

Kahit si Nero ay dalawang araw ko nang hindi nakikita. May kasabihan sina Nay Shirley at Nay Martha na bawal magkita ang magkarelasyon bago sila ikasal. Kapag sumuway, may nangyayari daw at hindi matutuloy.

Nero was frustrated but had no choice but to follow it. Gustuhin man namin makita ang isa't isa, wala rin namang mawawala kung susunod kami sa pamahiin.

Sa huli, sa bahay niya sa bukid ako natulog habang siya ay doon naman kina Nay Martha.

"Saan ka pala ikinasal noon, Minerva?"

Isang beses ko pang pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin bago hinarap si Minerva. Nakatayo siya, ang isang paa ay nakaapak sa silya at pilit na isinasara ang zipper ng kulay pink na boots na suot niya.

Pinasadahan ko ang kabuuan niya. She's wearing a spaghetti white dress, too. Nga lang... masiyadong sexy ang sa kaniya. Hapit sa malaman niyang katawan at hanggang hita ang iksi. Puno rin ng make up ang mukha niya, dinaig pa ako. Pink na eyeshadow, pink na blush on at pink na lipstick rin. Hapit na hapit ang buhok niya sa pagkakapuyod dahilan para maunat ang mukha niya.

Kahit ata madilim pa dahil alas singko pa lang ng madaling araw, malinaw na makikita ang ayos niya.

Dinaig pa ako na bride.

She's my maid of honor. Siya ang napili ko dahil siya ang naging kaibigan ko dito kahit pa naging magkaaway kami nung una. Wala akong ibang naisip na perpekto sa role na ito kung hindi siya lang.

Aaminin kong naisip ko si Gwyneth pero hindi para maging maid of honor. Sa nangyari sa amin, hindi ko na rin nanaisin pa ang imbitahan siya. Ang sabi ni Minerva, umalis na rin daw ito nung kamakailan bitbit ang ilang bagahe.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon