Kabanata 64

20.7K 883 52
                                    

Kabanata 64

Panay ang hagikhik ko dahil sa kiliting nararamdaman. Kanina pa ako pinapatakan ng halik ni Nero sa gilid ng aking leeg habang marahang nakayakap sa bewang ko. I am sitting on his lap because he asked me to. Narito kami sa balkonahe ng kwarto niya dis oras ng hating gabi.

Late na rin kami nakauwi mula sa kaarawan ni Nay Martha. Kasama na namin ang buong Monasterio pauwi pwera kina Ma'am Adrianna, Sir Zion, Sir Daniel at Ma'am Cheska na nagpaiwan na doon para doon na lang matulog. May dalawang bakanteng kwarto pa naman doon. Sina Ma'am Adrianna ay doon sa dating kwarto ni Nero tutuloy.

"Hindi ka pa inaantok?" tanong ko sa kaniya at isinandal ang ulo sa balikat niya.

He planted a soft peck on my cheek as his hug on my waist tighter. I watched the bright stars scattered like tiny glitters in the dark sky. Nasa mismong tapat namin ang buwan. Akala mong abot kamay lang kahit na sobra naman ang layo.

"Hindi pa." tipid na sagot niya.

Bumuntonghininga ako. "Ako rin. Parang hindi ako dinadalaw. Siguro ay dahil sobrang saya ko sa mga nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala na maayos na ang lahat sa pagitan namin ng pamilya mo."

"Masaya rin akong natanggap na ni Mama ang tungkol sa atin. I've said painful words towards her before. Galit ako sa nangyari sa atin at mas nagalit ako nang malaman ang ginawa niya sa'yo. But then I knew that my anger wouldn't last long because she's still my mother. Na dadating ang panahon at magkaaayos rin ang pamilya namin. Sa mga sandaling 'yon, kabilang ka na sa amin."

Literal na nakaramdam ng kilig ang puso ko dahil sa huling sinabi niya. Wala akong ibang pinangarap kung hindi ang maging kami sa huli, matanggap ng pamilya niya ang relasyon namin at bigyan ng kumpletong pamilya si Skyler.

"Now that everything is fixed between us and my family, it's now time to face your parents, Isha."

Ang ngiti sa labi ko ay mabilis na naglaho matapos sabihin ni Nero 'yon. Hindi ako sumagot, literal na hindi rin talaga alam ang tama sabihin tungkol sa bagay na 'yon.

"Matagal na akong walang komunikasyon sa kanila, Nero. Hindi ko alam kung... n-nasaan na sila."

Iyon ang totoo. Simula nang itakwil ako ni Mommy dahil pinili ko ang buhayin si Skyler, natigil na rin ang komunikasyon namin. Even Dad didn't dare to search for me. Para bang hindi naman ako kawalan sa kanila. That's when I decided to change my cell phone number and cut everything that connects us.

"She still lives on the same house where you grew up. She's with your Dad."

Mabilis kong nilingon si Nero. "Paano mo nalaman? Pinaimbestigahan mo sila?"

He shrugged his shoulders. Sa ganoong sagot niya pa lang ay alam ko na ang sagot sa tanong ko.

"We can't marry each other without their consent, Isha. I want to leave the past behind and as much as possible, forget it. I'm ready to face them just to have the blessings we need to start a life with each other."

Hindi ko maiwasan ang mas lalong humanga sa kaniya. Sa kabila ng panglolokong ginawa namin sa kaniya ni Mommy, sa kabila ng katotohanang kamag anak namin ang taong halos kumitil na ng buhay niya noon, pinili niya pa rin ang bumalik sa akin. At ngayon, pinipili niya pa rin ang harapin ang mga magulang ko makuha lang ang basbas ng mga ito para sa aming dalawa. Na sa kabila ng mga naging kasalanan nito sa kaniya at sa pamilya niya, nakahanda siyang lumimot... para sa akin.

Sumibol ang bikig sa aking lalamunan, ramdam ang pagbabara nito. Uminit ang sulok ng aking mga mata at kinagat ang aking labi.

Walang salita akong bumangon mula sa pagkakasandig sa katawan niya at bahagya siyang hinarap para yakapin. Sa kabila ng posisyon namin ay pinilit kong ipaikot ang mga kamay ko sa batok niya at isiksik ang mukha sa gilid ng kaniyang leeg.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon