Kabanata 52

19.6K 986 141
                                    

Kabanata 52

Wala na akong nagawa pa sa naging desisyon ni Nero. Matapos ang ilang araw na pananatili sa hospital sa Benguet ay dumiretso na kami ng biyahe pa Santa Fe. Hindi ko man gusto ay alam kong may punto rin si Nero na mas mabuting nasa malapit siya kung sakaling may mangyari ulit na hindi maganda kay Skyler.

Hindi na rin matanggal sa isip ko kung paano ang magiging sitwasyon ko kapag natapos na ang kaarawan ni Nay Martha. Siguradong uuwi na ako. Paano si Skyler? Should I let him stay with his father for a while? Wala naman sigurong problema. Masaya naman siya sa puder ni Nero. I'm sure he would let our son visit me from time to time.

Gabi na nang makarating kami sa baryo. Seeing the place that I learned to love over the past years that I was here made me smile. Wala pa rin nagbago maliban sa ilang bagong bahay roon. Marahil ay may mga bagong kapit bahay na rin sila dito. Maging ang dating bahay namin ni Nay Shirley noon ay naroon pa. Naibenta niya na iyon at ang alam ko ay may may-ari na.

Nasilayan ko rin ang malaking bahay ni Gwyneth. Mukhang ayaw niya pa ngang bumaba ng passenger seat kanina dahil na rin sa busangot sa mukha niya.

Within the days that Nero stayed in the hospital, she was there too. Wala naman ako nakikitang kakaiba sa kanila. They didn't look sweet or close. Palagi silang magkatabi pero bukod doon ay wala na.

Naghahanap ako ng senyales na magbibigay sa akin ng patunay na sila na talaga pero naalala kong hindi naman talaga showy si Nero. The mere fact that he came in Benguet with her is already a proof.

Huminto ang kotse ni Nero sa tapat ng isang malaking bahay. Nasa bukid na kami, malapit sa lagi namin tinatambayan noon. Nag-iisa lang ang bahay at walang katabi na kahit ano.

I roamed my eyes around the huge and modern house to look for some familiarity but couldn't find it.

"Kaninong bahay ito?" tanong ko pagkamatay ng makina.

Nasa back seat ako, kalong si Skyler na natutulog na. Si Nay Martha ay nasa likod ko rin dahil isang SUV ang sasakyan na gamit ni Nero.

"Sa akin." sagot niya matapos magtama ang mga mata namin sa rearview mirror.

Nag-iwas ako ng tingin at tumango tango.

"Bumukod ka na pala kina Nay Martha."

"Palagi pa rin ako doon. Umuuwi lang ako dito sa gabi kapag matutulog na."

I nodded and didn't answer anymore. Bumaba na siya at binuksan ang pintuan sa gilid ko. Kinuha niya si Skyler at isinampa ito sa balikat niya. Tinulungan ko rin si Nay Shirley na makababa ng sasakyan habang bitbit ko ang ilang gamit namin.

"Just leave your things there. Ako na lang ang kukuha mamaya." sabi niya habang binubuksan ang gate.

Kinuha ko pa rin ang isang duffel bag na naglalaman ng gamit ko at hindi siya pinakinggan.

"You can have Skyler's things. Ako ang magdadala ng sa akin." kaswal na sabi ko.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga nang hayaan niya kaming pumasok sa bakuran. He walked towards the main door and inserted the key in the keyhole. Mukha namang hindi siya nahihirapan kahit buhat si Skyler dahil madali niyang naipasok sa butas ang susi.

Sanay na sanay talaga sa pasukan.

Madilim pa ang bahay nang pumasok kami. Naglakad si Nero palapit sa akin na siyang hindi ko inaasahan at kahit madilim ang buong paligid ay tanaw ko ang mariin niyang pagtitig sa akin. Kusa akong umatras nang makitang dire-diretso siya hanggang sa maramdam ko na ang pader sa likuran ko.

"What?" I asked when he's already standing in front of me.

He breathed out. "Move. The light switch is placed behind you."

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon