Kabanata 46

20.1K 899 62
                                    

Kabanata 46

Time

Totoo nga siguro ang lukso ng dugo. Ngayon pa lang nagkakilala ng personal at maayos si Nero at Skyler pero hindi na kaagad sila mapaghiwalay.

Pansin na pansin kung gaano kasabik si Skyler sa kaniya. Ganoon rin si Nero. They bond like they have been known each other for so long. Mula pa kanina sa pagbangon hanggang sa paglabas ng kwarto ay hindi sila mapaghiwalay.

Inaya ko si Nero na dito na mag almusal sa bahay. I am giving him this day to bond with our son. I have no idea where he's staying right now. Kung babalik din siya ng Maynila matapos ang araw na ito, mas mabuting sulitin niya nang kasama niya si Skyler.

"Hindi ba at masaya sa pakiramdam na nakikitang masaya ang anak mo?"

Sandali akong napatingin kay Nay Shirley nang dumating siya sa tabi ko. Ibinalik ko ang pagtanaw kina Nero at Skyler sa sofa kung saan sila naroon at nagkukulitan. Habang kami naman ni Nay Shirley ay nag aayos ng almusal.

"Masaya ako, Nay. Lalong lalo na para sa anak ko. Alam ko po kung gaano inaasam ni Skyler ang makilala ang ama niya."

"Kung hindi sana inilihim sa kaniya ng kapatid niya ang tungkol sa ipinagbubuntis mo noon, matagal na sanang nangyari ang bagay na ito.

Huminga ako nang malalim.

"Wala na rin po saysay kung iisipin ko pa ang ginawa ni Ania. Nakaraan na po at kahit pa ano'ng gawin ko, hindi na 'yon maibabalik. Ang mahalaga po ngayon ay nagkakilala na sina Nero at Skyler."

Hindi sinasadyang nag angat ng tingin si Nero. Nagtama ang mga mata namin. Bagamat nakangisi ay pansin ang dilim doon. Alam ko naman na normal na sa kaniya ang ganoong klase ng tingin pero nakakaramdam pa rin ako ng pagkailang.

Ipinagpatuloy namin ang paghahain. Nang matapos ay naglakad ako palapit kina Nero. Nakikipaglaro siya kay Skyler ng bola ngunit kaagad rin namang huminto nang makita ang presensya ko.

"Uh, kakain na pala." sabi ko.

Nilingon ako ni Skyler at malawan na ngumiti. "Mama! Ang galing maglaro ni Papa ng bola. Sabi niya ay patatayuan niya raw ako ng court."

Nanulis ang nguso ko nang balinagan si Nero.

"Court talaga?"

Nagkibit balikat siya. The edge of his lips quirked upward creating a god-like smirk.

"Why not? Puwede diyan sa harapan ng bahay dahil maluwag naman."

"Huwag mong hayaan na ma-spoiled siya-"

"There's nothing wrong about spoiling our son. Kaya ko naman."

"Kaya mo. Pero ako, hindi. Paano kung mawala ka at hanap hanapin niya ang mga materyal na bagay?"

He raised his brow. From squatting in front of Skyler, he stood up. Naglebel ang mga mata namin. Titig na titig siya sa akin.

Sunod-sunod ang naging tibok ng puso ko, walang palya, tila nagmamadali. Gusto kong batukan ang sarili ko na sinabi ko pa ang bagay na 'yon. Na dadating ang panahon at mawawala rin naman siya. Magkakaroon ng ibang pamilya.

"Mawawala, Isha?" tanong niya sa malalim na boses. "Saan ako pupunta kung ganoon? Do you see me being in another place aside from here?"

Bumuntonghininga ako. Sa kabila ng pagkailang na nararamdaman ay nilabanan ko ang mga titig niya.

"Magkakaroon ka ng pamilya, Nero-"

"I already have a family. Who else are you talking about?"

Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam ng iritasyon sa tanong niya. Alam naman niyang hindi na kami puwede pero umaasta siyang iba ang sitwasyon namin.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon