Kabanata 38

31K 944 92
                                    

Kabanata 38

Talk

Hindi na nawala sa isip ko ang posibilidad na baka si Gwyneth ang ex girlfriend na sinabi ni Nero noong minsang asarin ko siya nung ayos pa ang lahat sa amin. I remember myself asking if I was the first girl he made love with. Sinabi niyang nagkaroon na siya ng karanasan noon sa dati niyang nobya. Kung tama rin ang pagkakaalala ko, college siya nung naging sila noon.

Nero is four years older than me. Gwyneth and I were only junior high school when she left Manila for a life in the province. Sa mga unang buwan ay mayroon pa kaming komunikasyon hanggang sa tuluyan nang nawala. Ilang taon rin akong nanirahan sa Canada kaya naman mas lalo na akong walang narinig mula sa kaniya. I don't know what happened but I didn't have the chance to talk to her anymore.

Hindi na namin naalala ang isa't isa.

Is it possible that my best friend is the same girl Nero's talking about before? Kung sakali man... bakit sila magkasama ngayon dito sa Baguio? Sila na ba ulit? Kailan pa?

Ramdam ko ang matinding kurot sa puso ko dahil sa mga posibilidad na gumagapang sa aking isip. Ni sa hinagap ay hindi ko man lang naisip na masiyadong maliit ang mundo at magtatagpo ang landas nilang dalawa. Na bago pa man magtagpo ang sa amin ni Nero, sila muna ni Gwyneth.

Huminga ako nang malalim at pilit na inalis sa isip ko ang mga posibilidad na 'yon. Na kaya sila magkasama ay dahil may relasyon sila. Isa pa, hindi naman ako dapat na nasasaktan. Matagal na kaming tapos ni Nero.

Pero dahil lang ba wala na kami ay wala na rin akong karapatan na masaktan? Sa pagkakantanda ko, hindi naman natapos ang pagmamahal ko para sa kaniya. Kahit pa alam kong imposible nang maging kami ulit. Kahit alam kong ayaw sa amin ng mundo.

"Isha, tuloy ka ba ngayon sa bayan?" tanong ni Nay Shirley habang nag-aalmusal kami.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya habang inaayos ang pagkain ni Skyler sa plato nito. Maaga silang nagising ni Nay Shirley habang ako ay medyo tinanghali. Madaling araw na akong nakatulog kakaisip sa isang bagay na dapat ay wala na akong pakialam.

"Opo, Nay. Kailangan ko mamili ng ibang souvenirs dahil madaling naubos nung isang araw." sagot ko nang maalalang pinakyaw ng isang turista ang mga paninda namin.

"Mukhang napuyat ka." makahulugan na sabi niya. "Inisip mo na naman siya?"

"Sino po, Nanay?" tanong ni Skyler kay Nay Shirley.

Tiningnan ko ang sariling anak. "Hindi ba ang sabi ko sa'yo huwag kang makikisabat sa usapan ng mga matatanda dahil masama 'yon?" kalmadong pangaral ko.

He nodded his head. "Sorry po, Mama."

Huminga ako nang malalim at pagod na tiningnan si Nay Shirley. Umiling siya sa akin bago nagbaba ng tingin sa plato niya.

"Huwag mo nang saktan ang sarili mo, Isha. Ayaw kitang mas masaktan pa dahil lang binibigyan mo na naman ng pag-asa ang sarili mo na baka puwede pa kayo. Kung maaari lang... manahimik ka na lang dito."

I didn't answer her. Hindi ko magawang sabihin sa kaniya ang tungkol kay Gwyneth kahit pa kilala niya naman 'yon dahil ramdam kong napapagod ako. Thinking about them already makes me exhausted.

Wala akong naging imik kahit pa nung matapos na kami kumain. Matapos ko paliguan si Skyler ay nagpaalam na akong aalis na patungong bayan.

Madalas ay linggo-linggo ako kung mamili. Minsan ay hindi na inaabot ng isang linggo lalo kapag maraming turista ang napadpad.

Pagkarating sa bayan ay una kong pinuntahan ang bangketa kung saan naroon ang mga pagkain na kilala rin sa lugar na ito. Nang matapos ay sunod kong dinayo ang mga lokal na gamit katulad ng tsinelas, pamaypay, wallet at kung ano-ano pa na yari sa rattan.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon