Kabanata 20

20.6K 1K 136
                                    

Kabanata 20

Bulate

Bumuntonghininga si auntie, hindi ko mabilang kung pang ilan na. Halatang hindi siya sang ayon sa desisyon ko pero hindi na ako aatras pa.

“Sigurado ka na ba diyan sa gusto mo, Isha?”

Isinara ko ang duffel bag kung saan naglalaman ng ilang damit. Hindi naman nasabi ni Nero kung hanggang kailan kami doon. Baka ilang araw lang rin naman pero itong si auntie, kung umasta ay akala mong hindi na ako babalik.

“Auntie, baka nga dalawang araw lang kami doon. Hindi pa naman po ako mag-aasawa.”

Tumayo ako at sinipat ang orasan. Alas kwatro pa lang ng madaling araw. Ang sabi ni Nero ay ganitong oras kami bibiyahe patungong Maynila. Alas tres pa lang ay gising na ako. Hindi naman halatang excited ako.

Baka kasi mahirapan kami sumakay ng bus lalo pa at summer ngayon. Nagsisiuwian ang mga tao sa mga probinsya. Maging sa pagkain ay nagbaon ako ng mga chichirya. Baka kasi magutom kami ni Nero sa biyahe. May mga umaakyat naman sa mismong bus kaya lang mas mabuti na rin na nagbaon ako.

“Iniisip lang naman kita. Siyempre hindi ako sanay nang hindi kita kasama. Ibinilin ka sa akin ng mga magulang mo noong nabubuhay pa sila.” pukaw ni auntie sa atensyon ko.

Tinitigan ko siya. “Ayos lang po ako, auntie. Babalik rin po ako.”

Hindi siya sumagot, maingat lang akong pinagmasdan. Alam kong nag-aalala siya na baka hindi na ako umuwi pero imposible naman ‘yon. Ang sabi ni Nero, sandali lang kami doon.

Pero kung magdedesisyon siyang manatili na kami doon kasama ang pamilya niya, sure why not?

Char.

Isa pa, gusto lang rin talaga makita ang magiging reaksyon ng mga kapatid niya kapag nakita nilang buhay si Nero. Ihahanda ko na ang cell phone ko para ma-videohan ang eksena. Nakagawa na rin ako ng YouTube account ko —handang handa na maging vlogger.

“Nariyan na si Nero sa labas.” imporma ni auntie sa akin.

Sumilip ako sa bintana, natanaw si Nero roon na walang dala na kahit ano. Wala ba siyang dala na damit? Paano sa mga susunod na araw? Ano ang isusuot niya?

Ah, baka naman may nakahanda nang damit si Mama Adrianna para sa kaniya? Malamang.

“Sige, auntie. Tatawag na lang po ako sa inyo. Mag-ingat po kayo at huwag n’yo po kakalimutan ang gamot n’yo sa altapresyon. Huwag po kayong magbo-boyfriend habang wala ako.”

“Bastos na bata ito. Lakad na nga at humayo na kayo-”

“At magparami?”

Sinamaan niya ako ng tingin. Humagikhik lang ako at yumakap sa kaniya. Hinaplos niya ang aking likod.

“Mag-ingat ka.”

Huminga ako nang malalim.

Tuluyan na akong nagpaalam kay auntie at lumabas na. Nagtama ang mga mata namin ni Nero. Kaswal na kaswal siya sa itim na v-neck tshirt at pantalon. Nakasuot rin siya ng kulay brown na low cut boots.

Hindi ba talaga siya isang modelo? Sure na?

Sinalubong niya ako ng halik sa labi bago kinuha ang dala kong duffel bag. Wala pa namang tao sa labas dahil literal na madaling araw pa lang.

“Bakit wala kang dalang gamit?” tanong ko sa kaniya.

“Morning.”

Ngumuso ako. “Good morning. Bakit nga wala kang dalang gamit?”

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon