Kabanata 53

19.6K 845 100
                                    

Kabanata 53

Maaga akong nagising kinabukasan. Ang totoo ay hindi naman talaga ako nakatulog nang maayos kaya may kaunting bigat ang ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa namamahay lang ako o hindi talaga ako pinatulog ng mga salita ni Nero bago siya lumabas ng kwarto kagabi.

It’s honestly relieving to know that he’s not in a relationship with Gwyneth. Ni hindi ako nakaramdam ng pagdududa na baka nagsinungaling lang siya at si Gwyneth ang nagsasabi ng totoo. Hindi kailanman nagsinungaling si Nero sa akin. He has always been an honest and straightforward man.

Habang si Gwyneth, maraming dahilan para magsinungaling siya at sabihing nagkabalikan na sila ni Nero. Nangunguna na roon ang katotohanan na mahal niya pa ito. She wants her back and she sees me as a threat.

Am I?

Nagtungo ako sa harapan ng kwarto ni Nero. Gusto ko sana makita si Skyler pero nag-aalinlangan ako dahil baka tulog pa sila. It’s only six in the morning. Pagod sila sa naging biyahe sa nagdaang gabi lalo na si Nero.

“Isha? Gising ka na pala. Wala riyan ang mag-ama mo at maagang umalis. Maglalakad lakad daw muna sila at papaarawan si Skyler,” pukaw ni Nay Shirley na siyang kakaakyat lang sa hagdanan. “Mabuti iyon dahil ilang araw nakakulong ang bata sa ospital.”

Nagtuloy tuloy siya sa paglalakad patungo sa kwarto niya.

“Kanina pa po sila umalis?”

Huminto siya at nilingon ako sandali.

“Mga kalahating oras na siguro. Nakapagluto na ako ng almusal sa baba. Itong si Nero ay inawat pa ako magluto kanina. Mabuti at hinayaan na rin ako. Teka sandali at magpapalit ako ng damit.”

Tumango ako at iniwan niya na ako. Lumingon ako sa main door, naiisipan lumabas para tanawin sila. Kaya lang ay baka isipin niyang nag-aabang ako sa kanila.

Pero bakit ba? Gusto ko lang naman makita si Skyler.

O, sige. Pati siya na rin.

Sa huli, bumaba ako ng hagdan at lumabas ng bakuran. Kaagad na tumama sa balat ko ang pang umagang araw. Ang amoy ng dayami at sariwang hangin ang pumuno sa dibdib ko dahilan para mapangiti ako.

Huminga ako nang malalim at itinuon ang mga mata sa asul na langit.

“Namiss kita Santa Fe.”

“Mama!”

Luminga linga ako sa malawak na bukirin nang marinig ang boses ni Skyler. Sa kaliwang direksyon ay natanaw ko sila ni Nero na naglalakad at magkahawak kamay.

Ngumiti ako sa kaniya. My eyes then automatically moved to Nero. Nakatingin siya sa akin, blangko ang ekpresyon ng mukha. Habang papalapit sila ay malinaw kong nakikita ang butil ng pawis sa noo niya. Medyo namumula rin ang pisngi niya at maging ang suot na puting t-shirt ay halos bumakat na sa katawan niya dahil sa pawis.

Mapa-bagong ligo o pawisan, sobrang gwapo niya. Walang tulak kabigin. Iyong ikaw na mismo ang yayakap sa kaniya kahit pa naliligo siya ng pawis dahil kahit ganoon, alam mong mabango pa rin siya.

“Mama, nag-walking po kami!” anunsyo ni Skyler sa akin pagkahinto nila sa harapan ko. Ngumiti ako sa kaniya at binalingan si Nero. “Kaya niya na ba?”

Tumango siya. “Kailangan niyang maarawan para hindi siya manghina.”

Tipid na ngiti lang isinagot ko. I squatted in front of Skyler and cupped his cheeks.

“Kumusta ang pakiramdam mo?”

“Maayos naman po, Mama. Puwede na ako makipaglaro sa mga kaibigan ko doon?” turo niya sa gawi ng bahay nina Nay Martha.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon