Kabanata 59

20.1K 870 89
                                    

Kabanata 59

Hindi natigil si Minerva sa pagbubunganga sa akin habang naglalakad kami patungo sa bahay ni Gwyneth. May kalayuan ito pero ayos lang naman dahil hindi pa naman gano'n katirik ang araw.

"Ewan ko ba naman diyan kay Nero at hinayaan ka mag punta sa bahay ng demonyitang 'yon mag-isa! Masiyadong deliko, Isha!"

Huminga ako nang malalim. Hindi niya pa rin inaalis ang pagkaka angkla ng braso niya sa akin at bahagya nang nagpapawis ang balat namin sa bandang iyon.

"Ayaw nga ni Nero na magpunta ako mag-isa pero nagpumilit lang ako. Isa pa, hindi naman gagawa nang masama si Gwyneth, Minerva. Kilala ko siya at-"

"Naku, Isha! Lahat ng taong nagmamahal at desperada, kayang gawin ang kahit na ano! Kaya huwag kang pakasiguro! You know never ano..." huminto siya at nag-isip. "Basta! Hindi mo masasabi! Iyan talagang ex boyfriend ko. Nagiging pasaway na naman!"

Kunot noo ko siyang nilingon. "Ex boyfriend? Sino?"

"Eh di si Nero! Sino pa nga ba?"

Natawa ako. "Talaga? Alam niya ba?"

"Na ano?" tinaasan niya ako ng kilay. Kuminang ang gintong eye shadow niya lalo pa nang tamaan ito ng sikat ng araw.

"Na ex boyfriend mo siya."

"Ha! Siyempre!" malakas ang boses na sagot niya at tila proud pa. "Hindi!"

Humagalpak ako ng tawa sa naging pahabol niya. Sinamaan niya ako ng tingin pero alam ko namang biro lan 'yon sa kaniya. Tandang tanda ko pa kung paano niya bantayan si Nero noon. Dumating pa nga sa puntong palagi niya akong inaangasan dahil karibal ang tingin niya sa akin.

It's funny to recall how our friendship started. Pero ngayon, heto at daig pa namin ang sanggang dikit. Wonder pets pa nga daw sabi niya.

Nakarating kami sa tapat ng bahay ni Gwyneth. It is a two story modern type of house in shades of white and mocha. Matagal ko nang nakikita ito noon pero hindi ko naman alam na sa kaniya pala ito. Kung tutuusin ay isa ang bahay niya sa pinakamaganda dito sa Santa Fe.

"Bukas ang gate. Papasok na ba tayo?" tanong ni Minerva.

"Puwede naman siguro. Sabihin nating bukas na kaya pumasok na tayo."

"Pa-gate gate pa kasi!"

Natawa ako. Kahit ata ano na lang ang makita niya basta alam niyang may kinalaman kay Gwyneth ay magagalit siya.

Pumasok na kami sa may tamang liit na gate. Pagkarating sa pintuan ay tatlong beses akong kumatok.

"Lakasan mo naman, Isha! Ganito!"

Napaigtad ako nang halos kalampagin niya na ang pintuan na tila ba gigibain na ito.

"Minerva!" mariing sita ko sa kaniya.

Tila wala siyang balak na itigil ang ginagawang pagkalampag sa pintuan nang bigla itong bumukas. Ang nakangiting mukha ni Gwyneth ang bumungad sa amin. That smile immediately vanished when her eyes met mine.

"W-What are you doing here?" she asked.

Bumaba ang mga mata ko sa katawan niya. She was just wearing a white towel wrapped around her body. Hindi naman siya mukhang bagong ligo dahil hindi rin basa ang buhok niya.

Baka maliligo pa lang, Isha?

"We doing here because Isha talk you daw..." sabi ni Minerva saka lumapit sa akin at bumulong. "Tama ba English ko?"

"Puwede na. Naintindihan ko naman," sagot ko nang hindi inaalis ang tingin kay Gwyneth. "Gusto sana kitang makausap-"

"I have no time to talk to you-"

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon