ANIA

25.5K 915 181
                                    


𝗔𝗡𝗜𝗔

I thought I did the right thing. I thought I made a good decision. I just wanted to protect him in any way I can. Hindi ko alam na sa kagustuhan kong protektahan siya ay naitutulak ko na siya palayo sa akin... sa amin na pamilya niya.

Nakalimutan kong may sarili siyang buhay at pag-iisip. Nakalimutan kong kaya niyang magdesisyon para sa sarili niya. Dahil tama siya. Hindi na siya bata.

Sa unang pagkakataon, may nanakit sa akin. Pinagbuhatan niya ako ng kamay at kahit na ganoon, hindi ko magawang magalit. At some point, I feel like I deserve that.

"You're being unreasonable, Adrianna! Naiintindihan ko pa ang galit mo para kay Isha pero ang idamay mo ang bata? Na apo nating dalawa?" Naiiling si Daddy habang madilim na nakatitig sa kay Mommy. "Itinago mo sa akin si Reon noon. You also controlled Zadriel's life by intervening with his relationship with Tate! And now this?"

Hindi kaagad sumagot si Mommy. She was staring into somewhere else while tears uncontrollably crawling down her cheeks. Ilang minuto na simula nang umalis si Kuya Reon at lahat kami ay naiwang tulala sa living room.

"Mali ba ako kung gusto ko lang naman protektahan ang mga anak ko? Masiyado kong mahal ang pamilya natin, Zion." gumaralgal ang boses ni Mommy.

"You can protect them without being manipulative and controlling, Adrianna. Sa ginagawa mo ay inilalayo mo lang ang loob ni Reon sa atin."

"He's planning to step down from being the president of our company, Papa. I think Kuya Reon is serious about that." Si Zadriel.

"Hindi lang sa kumpanya. Maging sa pamilyang ito ay handa nang bumitaw si Reon." sabi ni Dashiel na ikinapikit ko nang mariin.

Nauulinigan ko pa rin ang mga salita ni Kuya Reon at wala akong ibang gusto sisihin kung hindi ang sarili ko. Sana ay sinabi ko na lang kaagad sa kaniya ang tungkol sa naging pag-uusap namin ni Isha noon. Sana sa kabila ng galit na mayroon ako sa kaniya, pinilit ko na lang itong lunukin at hinayaan na lang sila dahil ang totoo, kahit ano pang galit ko, wala naman akong magagawa. May sariling isip si Kuya para pakinggan ako.

Tumayo ako mula sa couch at mabigat ang ulo na nag angat ng tingin sa kanilang lahat. Tumayo na rin sa Alas sa tabi ko.

"We'll be going. This is too much for today..." I said and let go a heavy sigh. "I'm sorry for the trouble."

Pinahid ko ang luha mula sa mga mata at dire diretsong naglakad palabas ng bahay. Alas followed me right away. Nang makarating kami sa kotse ay tahimik lang ako. He didn't even dare to say a word. He knows me too much. Kapag marami akong iniisip ay hindi siya nagtatangkang sabayan ako.

Alam ko na gusto niya ako sisihin, pagalitan at pagsabihan. Tatanggapin ko naman, huwag lang muna sana ngayon dahil pakiramdam ko ay sasabog na rin ako.

Nakarating kami sa bahay. Wala ang mga bata at nasa kina Mama Sandra. Dumiretso ako sa kwarto at nanghihina ang katawan na naupo sa dulo ng kama.

Alas went inside. He slightly threw the car keys on the center table. Hindi ko siya diretsong tinitingnan sa mukha pero ramdam ko ang marahan niyang titig sa akin.

Inakala kong lalampasan niya na ako. He then squatted in front of me and held my hand like he's trying to comfort me. I lowered my head even more while biting my lip.

Lumunok ako nang maramdaman ang paghaplos niya sa kamay ko. His touches triggered my emotions. Pumikit ako kasabay ng panginginig ng aking mga balikat.

"What have I done, Alas?" I asked through my trembling voice.

He didn't answer. He just let me cry while caressing my hand.

"Alam kong huli na ang lahat para pagsisihan ko ang mga ginawa at sinabi ko kay Isha. I only did that because I was mad for what she did to my brother."

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon