Kabanata 65

18.1K 810 40
                                    

Kabanata 65

Sa kabila ng pagkapuyat ay maaga pa rin kaming nagising ni Nero kinabukasan. Nagplano kaming gawing boodle fight ang tanghalian mamaya na sa mismong bukid gaganapin. Isang beses ko nang naranasan 'yon kasama ang mga magsasaka at masaya naman talaga.

"May sugpo ba na nabibilhan dito, Kuya? Tate is craving for it." sabi ni Zadriel habang nasa hapagkainan kaming lahat.

Lahat kami ay napatingin kay Tate na abala sa pagkain ng spam sa plato niya. Halatang halata sa kaniya na wala siyang tulog pero natural na maganda pa rin. Nga lang, nangangalumata siya at tahimik. Panay rin ang hikab niya. Pakiramdam ko ay madaling araw na siyang pinatulog ni Zadriel.

"Is she pregnant?" tanong ni Nero.

Nag angat ng tingin si Tate sa amin. Hindi na namin napigilan ni Dreya ang matawa nang manulis ang nguso ni Tate.

"Buntis kaagad, Reon? Nakakita kasi ako ng sugpo kanina sa Facebook tapos parang masarap. Nakakapaglaway!"

"She's pregnant." Si Dashiel na tila ba siguradong sigurado na.

"I'm not! Judgemental kayo."

"Hindi ba at may contest tayong dalawa? Mukhang tie na tayo ngayon." Tumawa si Dreya.

"Are you really serious about that contest thingy? Hirap kaya manganak." taas kilay na tanong ni Ania matapos sumimsim mula sa kaniyang kape.

"Masarap naman gumawa kaya ayos lang..." natatawang sagot ni Tate. "Balance, baby."

Humagalpak ng tawa si Alas. Kaagad rin natigil nang makita ang masamang tingin na ipinukol sa kaniya ni Ania.

"What?" Alas was chortling when he asked her that. "Tate is just telling the truth."

She rolled her eyes. "You two are really bestfriends. Hindi ko alam kung sino ang nagmana kanino."

"Siyempre ako kay Alas. Mas matanda 'yan sa akin."

Sinulyapan ko si Zadriel. Titig na titig siya kay Tate na tulala na naman sa plato niya. He was even biting his lower lip as if he's thinking that his wife might be really pregnant.

"Ikaw, kailan?"

Mabilis akong napalingon sa gawi ni Nero nang ibulong niya 'yon sa akin. Titig na titig siya sa akin habang nakataas ang gilid ng labi. I giggled and moved close to him. My lips near his ear.

"Araw-arawin mo daw ako para mabuntis na ulit ako."

He chuckled playfully. "Maya't maya na nga, hindi ba?"

Kapag talaga si Nero ang lumaban sa mga bulgarang salita, hindi ako mananalo. Palagi akong nakakaramdam na tila ba gusto ko na lang lumubog sa kinaroroonan ko o hindi kaya ay magtago.

Matapos ang naging almusal ay nagkaniya kaniya na kami ng pag-aayos. Pupunta muna kami sa bahay nina Nay Martha para makita sina Ma'am Adrianna. Pagkatapos no'n ay didiretso na kami sa palengke para bumili ng mga kakailanganin.

"Good morning! How was your night?" Sir Daniel asked the moment we arrived.

Nasa terasa silang lahat at tila nagkukwentuhan lang kasama sina Nay Martha. Naroon din si Nay Shirley habang inaayos ang bimpo sa likod ni Skyler.

Sumulyap ako kay Ma'am Adrianna. She smiled at me. Ngumiti ako pabalik at naupo sa tapat nila.

"Mukhang puyat ka. Pinuyat ka ba nitong panganay ko?" tanong niya sa akin, may ngisi sa mga labi.

Uminit ang pisngi ko nang mula sa cell phone ay mapatingin sa akin si Sir Zion. Nagkamot ako ng ulo at alanganing natawa.

"Mama..." nangingising sita ni Nero. "You're embarrassing her."

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon