Kabanata 21

21.1K 1.1K 239
                                    

Kabanata 21

Back

Akala ko ay niloloko lang ako ni Nero na hindi kami sa bahay nila magtitigil. Iyon pala ay seryoso siya dahil sa isang condominium niya ako dinala.

Magkahawak ang kamay namin pagkalabas ng elevator. Palinga linga lang ako dahil ito ang unang beses na nakapasok ako ng ganitong karangyang condo. Parang pang big-time talaga at hindi puwede sa mga pooritang katulad ko.

“Nero, matagal na sa’yo itong condo mo?” tanong ko habang umaakyat pataas ang elevator.

“Since I was twenty.”

Matagal na pala talaga dahil bente nueve na siya ngayon.

“Unang beses mo itong pupuntahan? Kasi hindi ba, doon ka lang lagi sa Nueva  Vizcaya?”

“I stayed here once. Pangalawang beses na ngayon.”

“Ano’ng ginawa mo dito nung unang beses?”

“Business, ma’am.”

“Anong business?”

Bumuntonghininga siya, tila naiirita na dahil ang dami kong tanong. Marami na ba? Hindi pa naman. Kaunti pa nga ‘yon.

Saktong bumukas ang elevator. Bumaba ang kamay niya sa bandang ibaba ng likod ko at sabay kaming lumabas.

“Just some random business.”

Tumango na lang ako at hindi na nangulit pa. Kinailangan niyang alisin ang pagkakahawak sa bandang likod ko para sana kuhanin ang wallet bulsa niya nang bigla kong ibalik ang kamay niya doon.

Kunot noo niya akong tiningnan. Sunod-sunod ang naging pag-iling ko.

“Huwag mong alisin ang kamay mo. Ganiyan ka lang.”

Tumaas ang kilay niya, natatawa.  “How would I get the key card inside my wallet then?”

Sandali akong nag-isip. “Ako na ang kukuha.”

Kinuha ko ang wallet sa bulsa niya habang ang kamay niya ay nasa likuran ko. Titig na titig siya sa katangahang ginagawa ko pero hindi naman nagrereklamo.

Ipinakita ko sa kaniya ang wallet niya, mawalak ang pagkakangiti.

“Ito na. Sige puwede mo na tanggalin ang kamay mo.”

Matunog siyang ngumisi. “Clingy.”

“Clingy kaagad? Hindi ba puwedeng gusto lang talaga kita makatabi. Saka tabi ba tayo mamaya sa kama?” Humagikhik ako.

Iisa lang naman siguro ang kama riyan, hindi ba? May tsansa na siguro akong dumapa.

“Seems like I already know what’s running inside your head.”

Bumukas ang pintuan. Hinawakan niya ang kamay ko at kinabig ako pasunod sa kaniya. Itim at puti ang interior ng condominium na bumungad sa akin. Bagong bago pa at halatang walang gumagamit.

“Wala, ah! Hindi ko naman iniisip na dadapa ako mamayang gabi.”

Humalakhak si Nero. Nang makita ko ang couch ay binitawan ko ang kamay niya at nauna nang naupo doon. Isinalampak ko ang katawan, isinandal ang batok sa headrest. Ilang oras ang naging biyahe namin at literal na nanakit ang katawan ko.

Pumikit ako. “Sakit ng pisngi ng puwet ko, Nero. Na-flat ata.”

“May I see?”

Mabilis akong nagmulat ng mga mata. Nakita ko siyang nakasandal sa pader, magkakrus ang matitikas na mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib habang titig na titig sa akin.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon