Kabanata 50

20K 934 150
                                    

Kabanata 50

Back

Bakit siya narito? Bakit sila magkasama? Nung tumawag ba ako kay Nero, magkasama na sila? I thought she already means nothing to him. Iyon ang ipinaramdam niya sa akin, hindi ba? Iyon ang sinabi niya. Why are they together?

Ano ngayon sa'yo, Isha? Kung halimbawang sila na ulit, ano'ng pakialam mo? Wala na kayo ni Nero. Ikaw mismo ang nagtulak sa kaniya palayo dahil iyon ang iniisip mong tama. Wala kang karapatang masaktan. Kung nagkabalikan man sila, mas maganda nga iyon dahil magiging masaya na ulit si Nero. Matatanggap na ng pamilya niya ang babaeng ka-relasyon niya dahil hindi ako 'yon.

"Isha..."

Napakurap kurap ako nang marinig ang malalim na boses na 'yon ni Nero. Mula sa pagkakatulala kay Gwyneth ay binalingan ko siya.

"Huh?"

Nagdikit ang mga kilay niya, ang mga mata ay bahagyang naging matalim.

"Nasaan ang doktor na tumitingin kay Skyler?"

"Ah, oo! S-Sasamahan na kita para makapag donate ka na rin ng dugo," sabi ko at nag iwas ng tingin bago nagsimulang maglakad. "Sundan mo na lang ako."

Wala na akong tiningnan kahit na isa pa sa kanila. Malalaki ang hakbang ko sa pasilyo. I can feel Nero walking behind me. Palim akong suminghap at nilunok ang bigat na bumabalot sa dibdib ko.

"Paanong na dengue ang bata, Isha?" tanong ni Nero habang naglalakad kami.

I was trying hard not to look at him. Diretso lang ang mga mata ko sa dinadaanan.

"Pasensya na. Hindi ko alam na mangyayari ito. Bantay sarado naman namin siya ni Nay Shirley lalo na sa gabi."

"Don't apologize. It's not that you like what happened to him. Huwag na lang natin siguro siya palabasin pagdating ng hapon. Hindi ko alam pero baka sa Santa Fe niya rin nakuha."

Walang puwang para magsisihan kaming dalawa. Saan mang lugar nakuha ni Skyler ang sakit niya ngayon, parehas namin hindi ginusto ni Nero na mapunta siya sa ganitong sitwasyon.

Nagkausap na si Nero at ang doktor na tumitingin kay Skyler. Hindi nagtagal at inihanda na siya para makuhanan na ng dugo. He was now lying on the bed while being assisted by the nurse on duty.

"Hihintayin na lang kita sa labas..." sabi ko sa kaniya nang magkatinginan kami.

Sa paraan ng tingin niya sa akin, parang malamig na. Parang hindi na kagaya ng dati. Parang... ayos na siya.

Dahil ba sa kaniya, Nero?

Umiling siya. "Balikan mo na ang anak natin. I'll be fine here. Baka rin may kailanganin at mabuti nang naroon ka."

"S-Sigurado ka?"

He nodded his head. "I'm alright."

Ilang sandali pa akong nanatiling nakatayo sa paanan niya bago ako tumango at nagpaalam na. Ang totoo ay hindi ko pa gustong bumalik doon dahil siguradong magtatagpo kami ni Gwyneth. Wala naman akong galit sa kaniya sa kabila nang biglaan niyang hindi pagpaparamdam sa akin noon. I know she had reasons and I respect that. Whatever it was. Kung hindi ko siguro nakilala si Nero at hindi ko nalaman na mas nauna sila, baliwala lang sa akin kung magkita man ulit kami.

Isa pa, kasama siya ni Nero. Ibig sabihin ay alam niya na rin na may anak kami nito. Ayos lang ba sa kaniya?

Wala akong pagpipilian kaya dumiretso ako doon. Tanaw ko si Nay Shirley na nakaupo sa bench. Si Gwyneth ay nasa dulo at tahimik lang rin na nakaupo.

Maganda pa rin siya katulad noon. Mas lalong nahubog ang katawan niya, mas lalo rin pumuti. Ang dati ay kulay itim at tuwid niyang buhok, ngayon ay kulay brown na at hanggang batok na lang. If I'm not mistaken, that style of hair is called as bob cut.

"Kumusta si Nero, Isha?" tanong ni Nay Shirley nang makalapit ako.

Gwyneth raised her eyes and met mine. We stared at each other.

"Kasalukuyan na po siyang kinukuhanan ng dugo..." sabi ko nang hindi inaalis ang tingin kay Gwyneth. "Si Jeremy po?"

"Bumaba lang saglit sa cafeteria para bumili ng makakain."

Muli akong tumango. Tila ba nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa ko at naglakad palapit sa gawi ni Gwyneth. She avoided my eyes and looked into somewhere else.

Naupo ako sa tabi niya, may ilang metro ang pagitan namin. Bumuntonghininga ako at itinuon ang mga mata sa mga kamay kong nasa ibabaw ng aking hita.

Silence lingered in the air. Tila ba wala sa amin ang gustong mauna sa pagsasalita pero alam kong kailangan namin mag-usap. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malinawan.

"It's been awhile..."

She chuckled. "Yah. Who would have thought that we would meet again after all these years?"

"Hmm. Sa ganitong pagkakataon pa talaga."

Hindi siya sumagot. Ramdam ang tensyon sa pagitan naming dalawa. This isn't what I imagined when the two of us meet again. Inaasahan ko na magyayakapan kaming dalawa, magkukumustahan at sasabihin kung gaano namin na-miss ang isa't isa.

Why are we acting like we're rivals right now? Maybe we are. But we don't want to admit it.

"I see. You have a son with Reon."

The way she called him made my body stiffen. She knew his real name? Sa pagkakaalam ko, pili lang ang mga taong nakaaalam ng totoong pangalan niya. Ako at ang pamilya niya lang.

Hindi natin kakalimutan, Isha, na hindi ikaw ang unang babae na minahal ni Nero. Mas nauna si Gwyneth sa'yo. Bago mo pa malaman ang lahat sa lalaking mahal mo, mas una nang nalaman ng dati mong matalik na kaibigan.

"Yes."

Matunog siyang ngumiti, hindi pa rin ako tinitingnan na para bang ayaw niya ako makita nang harapan.

"We're together in their house when you called. Saka ko lang rin nalaman na may anak na siya sa'yo. Nang sabihin niya kung sino ang ina, pilit ko pang inisip kung kakilala ko ba. He knew that we were friends. And then I realized that the man I first loved has a child with my old best friend..."

Old. Just as I thought.

"Reon was my first boyfriend, Visha. Nang lumipat kami sa Santa Fe ay siya na ang palagi kong kasama sa university . He helped me, guided me in everything I should know because he was my senior. Hanggang sa niligawan niya ako at maging kami. We only parted ways because I had to migrate to-"

"Why are you telling me that?" putol ko sa kaniya dahil hindi naman ako interesado sa nakaraan nila.

Kung kay Nero nga ay hindi ako nagtanong noon dahil ayaw ko malaman pa.

"Do you see me as a threat?"

Ipinihit niya ang ulo paharap sa akin. Sa wakas ay tinitigan na ako sa mga mata na kanina ko pa hinintay. Nga lang, hindi ko na makita pa ang dating kaibigan na minahal ko nang higit pa sa sarili ko noon.

"I am not threatened, Visha..." sagot niya sa malamig na tono. "May anak man kayo pero... ako pa rin ang mahal niya."

Umawang ang aking mga labi, nakaramdam ng matinding kirot sa puso ko. Natawa ako hindi kalaunan.

"M-Mahal? Matagal na kayong wala, Gwyneth-"

"Pero bumalik ako. Tinanggap niya ulit ako."

Umiling ako, salubong ang mga kilay. "Ano'ng ibig mong sabihin? K-Kayo na u-ulit?"

Mariin niya akong tinitigan sa mga mata na tila ba inaaral niya ang ekpresyon ng mukha ko. Marahas at walang palya ang pagtibok ng puso ko, tila hinahabol ng maaari niyang maging sagot.

"Yes, Visha. Reon and I are already back to each other."

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon