Kabanata 31

19.5K 950 172
                                    

Kabanata 31

Usap

Nagpatuloy pa rin ang relasyon namin. Umasta akong wala kaming pinagdadaanan dahil sa kagustuhan na makasama pa rin siya. Dahil mahal ko pa rin siya.

The thing is... I’m not sure if this is what I want anymore.

“Magandang araw po, Nanay Martha. N-Nariyan po ba si Nero?”

Mula sa pagdidilig ay nag-angat ng tingin ang ginang. Simula nung mangyari ang gulo ay ngayon ko na lang ulit siya nakita. I am already expecting a cold treatment from her. Maiintindihan ko naman dahil wala talagang kapatawaran ang ginawa ko.

She’s one of the person who treated me nicely. Nung bago lang kami dito sa Santa Fe, mainit ang naging pagtanggap niya sa amin. Lalo na sa akin.

Lumapit si Nanay Martha sa akin, walang  emosyon ang mukha. She breathed out and opened the gate. Bahagya akong umatras nang lumabas siya.

“Nasa bukid si Reon, Isha. Hindi siya umuwi at nagpaalam na doon na lang kakain ng tanghalian.”

Hindi ako kaagad nakasagot.

Pero ang sabi niya ay sabay kaming kakain. Nakalimutan niya na ba? Ayos lang. Baka maraming ginagawa sa bukid kaya hindi na ako nagawang sabihan kahit sa text. Ako na lang ang pupunta doon. Puwede naman ‘yon.

“Gano’n po ba?” tanging nasabi ko na lang. “Sige po, Nanay Martha. Salamat po.”

I was about to turn my back on her when she called my name. Humarap ako sa kaniya at ngumiti.

“Hindi niya nabanggit sa’yo?” tanong niya sa kalmadong boses. Hindi siya mukhang galit at aaminin kong nasurpresa ako doon.

May pagka strikta si Nanay Martha base na rin sa pagkakakilala ko sa kaniya kaya naman hindi ko rin inaasahan na ganito ang magiging pakikitungo niya sa akin.

“Hindi niya po n-nabanggit. Pero ayos lang naman po. Ako na lang po ang pupunta doon.”

Huminga siya nang malalim. “Wala akong kinakampihan sa iyo at sa mga Monasterio, Isha. Matanda na ako at alam ko na ang ibig sabihin ng bawat galaw n’yo. Ramdam kong totoo ang pagmamahal mo kay Reon at ganoon rin siya sa’yo. Tahimik lang ako pero nasaksihan ko ang lahat...”

Tumungo ako, ayaw nang sumagot pa lalo na at hindi ko mahanap ang tamang salita para bitawan.

“Mahal ninyo ang isa’t isa, Isha. Pero nasa tamang panahon ba? Masaya ka ba sa katotohanang ayaw sa’yo ng pamilya niya? Masaya rin ba si Reon sa katotohanang kadugo mo ang taong halos pumatay sa kaniya noon?”

I tried to raise my head and level her wrinkled eyes.

“G-Gusto n’yo po ba akong lumayo kay Nero, Nanay Martha?”

Umiling siya. She held my hand and gripped it gently. It’s somehow comforting me knowing that someone is trying to understand the situation. Iyong kahit na alam na mali ay hindi idadaan sa masasakit na salita o pisikalan ang paraan ng pakikipag usap sa akin.

“Hindi ako tutol sa’yo, Isha. Alam kong sa kabila ng panglolokong ginawa mo sa mga Monasterio ay naging totoo ka sa kanila lalo na pagdating sa pakikisama mo...” wika niya. “Ang sa akin lang, ayaw kong dumating kayo sa punto na kayo mismo ang magkasakitan dahil pinilit n’yo pa rin ituloy ang isang bagay... na hindi na kayo sigurado.”

Dala-dala ko sa isip ang mga salitang ‘yon ni Nanay Martha kahit nang matapos na kami mag-usap. Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Nero... na ginusto kong manatili sa relasyon namin na ito sa kabila ng sitwasyon na mayroon kami.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon