Kabanata 17

21.1K 1K 297
                                    

Kabanata 17

Reon

Tanghaling tapat at ang sikat ng araw ay mahapding tumatama sa mga balat ko. Pero heto ako at naglalakad sa bukid habang tumatagaktak ang pawis.

Wala akong nasakyan na tricycle o pedicab papunta dito kaya naman kahit mainit ay nagdesisyon akong lakarin na lang.

Nagluto ako ng adobong manok kanina. Nagpatulong ako kay auntie dahil wala pa naman akong alam sa pagluluto. Pero seryoso ako na gusto kong matutunan. Si Nero ang nag-iisang dahilan.

Baduy mo, Isha.

Siyempre. Kapag naging mag-asawa na kami, kailangan maalam ako sa pagluluto. Hindi puwedeng kukuha kami ng kasambahay dahil hindi naman kami mayaman. Maaaring siya, oo. Pero hindi ko pa rin sure.

Tanungin ko kaya mamaya.

Nero, mayaman ka ba? Kung oo, puwede bang kumuha ka na lang ng kasambahay para hindi na ako magluto?

Umiling ako at ngumuso. Hindi puwede ang ganiyan, Isha! Kailangan mo maging huwarang asawa!

“Isha? Oh my gosh, nandito ka rin?”

Lumingon ako sa gilid, naniningkit ang mga mata dahil sa sinag ng araw. Nakita ko si Minerva, may dalang bayong habang malawak ang pagkakangiti.

Tila hindi niya alintana ang mainit na sikat ng araw. Kung sa bagay, sanay naman na siya.

“Ikaw pala, Minverva.”

“Ako nga. Dadalhan ko ng tanghalian si pag-ibig ko kaya ako narito.”

Ibang iba ang itsura ni Minerva ngayon. Bukod sa pagkakaayos ng buhok niya na parang si Shancai ng Meteor Garden, hindi na rin gaanong makapal ang make up sa mukha niya. Halata rin ang saya niya na ngayon ko lang nakita.

“Pag-ibig?” tanong ko. “May boyfriend ka na?”

“Oo naman! Ano, ikaw lang ang maganda?”

Nagsisimula na naman siyang maging hyper.

Tumingin ako sa damuhan na nilalakaran bago nag-angat ng tingin sa kubo. Sa malayo ay tanaw ang mga magsasaka na nakatayo at tila nag-uusap usap.

“Sino naman?” tanong ko.

“Si Nero!”

Mabilis kong nilingon si Minerva nang sabihin niya ‘yon. Nag peace sign siya sa akin, nangingisi.

“Joke lang! Ito naman parang sasabunutan na ako. Si Ruben ang nobyo ko!”

Kumurap kurap ang mga mata ko. Si Ruben? Iyong anak nina Mang Kulas? Naging sila na? Nag-aasaran lang sila noon, ah. Kung sa bagay. Doon naman nagsisimula ang lahat.

Kami ni Nero, paano ba kami nagsimula? Ah basta. Nagharutan kami kaya heto at kami na.

“Masaya ako para sa’yo. At saka, Minerva...” tawag ko sa kaniya.

Nilingon niya ako, halos mapunit na ang labi sa pagkakangiti.

“Yes?”

Natawa ako. “Maganda ka ngayon.”

Ikinumpas niya ang kamay niya. “Maliit na bagay, Isha.”

Muli akong natawa, napapailing. Maganda pala dito kay Minerva ang nai-inlove. Nagiging masayahin.

Nakarating kami ng kubo. Saktong dating rin ni Nero. Titig na titig siya sa akin habang naglalakad sa hulihan kasama ang mga matatandang magsasaka.

Ngumiti ako at kumaway sa kaniya. Inilapag ko ang dalang maliit na plastic sa ibabaw ng kahoy na mesa at pinunasan ang pawis gamit ang likod ng palad.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon