Kabanata 60

20.5K 887 83
                                    

Kabanata 60

Halos hindi ko na maramdaman pa ang pagpasok ng hangin sa dibdib ko habang pinagmamasdan si Ma'am Adrianna na nakatitig sa akin. Her expression was way too cold and blank as anxiety is starting to creep into my heart.

Hindi ko alam kung nagulat ba siya na narito ako o inaasahan niya na. Sa pagkakaalam ko, walang kinakausap si Nero sa kanila. Walang nakakaalam na nagkabalikan na kami. Kahit ang komunikasyon namin ni Dreya ay naputol na rin.

Base sa lamig na nakikita ko sa mga mata niya, masasabi kong galit pa rin siya sa akin ngayon. Bakit ba umaasa pa akong mapapatawad niya ako? Na magugustuhan niya ako? Ako man ay masama pa rin ang loob sa kaniya dahil sa nagawa niya sa akin noon pero kaya kong kalimutan ang lahat ng iyon para sa ikakaayos ng lahat. Para sa amin ni Nero.

Una akong nagbawi ng tingin. My eyes then went to Ania who I caught staring at me. Kaagad rin siyang nagbawi ng mga mata at itinuon ito kay Alas.

Hawak pa rin ang aking kamay, tumayo si Nero sa harapan nila. I also stood up with my heart still beating wild. Nahagip ko ang pagbaba ng mga mata nila sa magkahawak naming kamay ni Nero. Tanging si Ma'am Adrianna lang ang nakaiwas ng tingin. Sa labas ito nakatanaw.

It's then Ma'am Cheska stepped towards us and placed a kiss on Nero's cheek.

"It's good to see you again, Reon." she said and caressed his cheek.

Tipid na ngumiti si Nero. "Likewise, Tita Cheska."

Binalingan ako ni Ma'am Cheska at matamis na nginitian. She didn't say anything and just embraced me.

"How are you, Isha?" she asked through a whisper. "I'm so happy to know that you two are finally back to each other."

"Thank you po, Ma'am Cheska-"

"Please call me the way Reon calls me."

I sighed. "Thank you po, T-Tita Cheska."

"Sounds better."

Kumalas kami sa mula pagkakayakap sa isa't isa. Nakita ko ang paglapit ng lahat kay Nero pwera kay Ma'am Adrianna na naiwan sa isang tabi. Even Ania went to hug her brother. Hindi na ako nagulat pa dahil ayon sa kwento ni Nero, humingi ito ng tawad sa kaniya bago siya bumalik ng Maynila noon.

Lumapit at yumakap rin sa akin si Dreya.

"Blooming ka lalo." sabi niya sabay ngumiti nang mahinhin.

Mahina akong natawa. "Ikaw rin naman. Palagi kang maganda."

Tinanguan ako ni Dashiel, Zadriel at Alas. Maging si Sir Zion ay tumango sa akin at ngumiti. It somehow feels overwhelming to see most of them smiling at me. Kahit papaano ay naiibsan ang kaba ko. Pero iba pa rin siguro ang pakiramdam kapag si Ma'am Adrianna na ang ngumiti sa akin.

"Ano? Tama ang hula ko, ano? Tataguan mo ng anak si Reon. Ay si Mareng Ania pala ang nagtago." humagikhik si Tate sa huling salita niya habang nakayakap sa akin.

Matunog lang akong ngumiti at hindi na nag-abala pang sumagot dahil malapit lang sa amin si Ania. She was talking to Nero while nodding her head, a smile was plastered on her lips.

Nagtama ang mga mata namin. Nauna akong magbawi dahil aaminin kong duwag ako pagdating sa talim ng mga mata niya. At isa pa, kung tititigan ko siya pabalik ay isipin niyang nagmamatapang ako porque nobyo ko na ulit ang Kuya niya.

Nagbaba na ako ng mga mata nang lagpasan na ako ni Tate. It's then I saw the familiar red stiletto in front of me. My heart pounded hard against my chest when I raised my eyes and met Ania's fiercing gaze.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon