Prologue

4.4K 92 9
                                    


Pagbangon.

I covered my eyes as the warm rays of the sun shone upon me. Alas tres na ng hapon ngunit tirik pa rin ang sikat ng araw at sa bintana ng opisina ko na nakaharap sa kanluran ay ramdam na ramdam ang sinag nito. I always had to adjust my seat dahil kung hindi ay mahihirapan talaga akong mag concentrate sa mga binabasa kong dokumento.

"'Yan 'yong foundation kung saan co-founder ka 'diba? Kayo ni Attorney Soriano?" Zaina asked me while looking at the paper I was holding.

"Yeah, the Pagbangon Foundation. We actually have a meeting today and I need to attend." I answered, still looking at the paper while a lot of thoughts were running inside my mind.

"Pero wala pa dito 'yong dalawa, hihintayin mo pa ba?"

Tumango ako habang nilalagay ang mga dokumento sa folder na dadalhin ko sa meeting. "Ihahatid ko muna sila sa bahay bago ako pumunta. Ibibilin ko nalang kina Tita Yvette."

Zaina nodded and her eyes drifted to the window.

"Attorney Alcantara, nasa labas na po si Attorney Soriano, kasama 'yong kambal!" Zaina excitedly said and giggled.

Tumango ako bago inabot ang bag ko para makalabas na ng opisina.

"Crush ko talaga 'yang si Attorney Soriano! Matalino na nga, ang hot pa! Bagay na bagay talaga kayo!"

I chuckled and smiled. "Good taste."

"Ako pa ba, Attorney." Zaina giggled again. "Pero 'wag kang magselos ah."

My eyes drifted to the door when it opened, iniluwa nito si Sorel na nakangiti sa'kin.

"Ready ka na?" He asked before leaning closer to get my bag.

"Yes, thanks. Let's go?"

Tumango siya at sabay na kaming lumabas. When we went out ay agad kong natanaw ang kambal na kumakaway sa amin.

Gabriella and Dylan. They're really the opposite sex version of each other. Kambal nga naman.

Ngumiti ako at agad na nagbeso sa kanilang dalawa.

"Anong oras na nga 'yong meeting? Sorry, nakalimutan ko 'yong sched." Sorel chuckled, napangiwi naman ako.

Napakamakakalimutin talaga, ginawa pa akong walking planner at reminder.

"6 pm. La Terrasse Cafe. Bilis mo talagang makalimot," puna ko.

Tumawa naman siya. "Sorry, babe." he jokingly said at napairap naman ako.

"Busy ka bukas?" I asked him while browsing my ipad, tinitingnan kung gaano ka hectic ang schedule ko sa mga susunod na araw.

"Yup, kinda. Hearing at 10, lunch meeting at 12, and conference meeting at 3 pm onwards." He answered and I suddenly got jealous dahil dalawa lang ang schedule niya. Pero 'di bale na, makakabawi naman ako next week.

I sighed and busied myself looking at the view outside while listening to the twin's chattering. Palawan is really beautiful, the sceneries never fails to amaze me.

Being a lawyer is not easy, it has always been challenging for me. Dream ko 'yon at nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko. But sometimes... I feel like something is still missing. Maybe I know about it... but maybe I was also just pushing the thought away from my consciousness.

We dropped off the twins at Tita Yvette's store at pagkatapos ay dumiretso na kami sa napagkasunduang lugar. I immediately saw our colleagues when we get there at agad din kaming lumapit sa kanila.

Pagbangon Foundation was founded by us way back in law school para tulungan ang mga taong biktima ng rape at iba pang uri ng pang-aabuso, pero dahil pare-pareho rin naman kaming mga estudyante noon ay hindi ito nakatanggap ng sapat na suporta para magpatuloy that's why it stopped for years and we only decided to continue it 2 years ago when we're already kind of stable.

Enticing the Untamed JewelWhere stories live. Discover now