Chapter 25: Challenges

1.3K 46 0
                                    


I am carrying twins. Iyon ang sabi ng doctor sa akin. May mga niresetang vitamins at maraming ipinayo sa akin na dapat kong gawin para maging malusog ang baby ko. Dahil din kambal ang dinadala ko ay pinaghahanda ako ng doctor, mahirap raw kasi ang manganak ng kambal, at baka kung magkataon ay kailangan ako i-caesarean section.

"Huwag kang mag-alala, hija. Kami na ang bahala. 'Wag mo nang isipin masyado 'yon dahil baka ma-stress ka pa," ani Tita Yvette na sinang-ayunan naman ni Tito Menard.

Sobra akong nagpapasalamat ngunit hiyang-hiya na ako. Pero kung hindi ko naman tatanggapin iyon ay baka mapano rin ang mga anak ko. Kahit ang magawa ko nalang sana ng tama ay ang maisilang sila nang maayos at malusog.

Gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanila, iyon nalang ang inisip ko habang lumilipas ang mga araw.

It was still hard because I'm still thinking of the same thoughts. But I'm doing my best to keep myself stress-free dahil hindi iyon makakabuti sa mga baby ko. Kumakain na rin ako ng masusustansyang pagkain at umiinom ng vitamins. I also tried to go out of the house para makalanghap ng sariwang hangin at para masikatan ng araw sa umaga dahil makakabuti iyon sa bata. Sinusubukan ko na ring makipag-usap ulit sa mga tao dahil hindi raw nakakabuti kung lagi lang ako mag-isa.

Ang dami-dami kong pagkukulang sa kanila sa mga nakalipas na buwan kaya gusto kong bumawi, kahit sa gano'ng paraan nalang. Hindi ko sila naalagaan ng maayos no'ng first and second trimester at sobra akong nakokonsensya sa pagiging pabaya ko.

"Magkano ang mangga sa inyo?" Tanong ko kay Sorel nang matanaw ko siyang nag-iigib sa may balon.

Sa mga nakalipas na araw ay tila nasanay na ako sa presensya niya dahil palagi siyang nasa bahay at napagtanto ko rin na hindi naman siya masamang tao. Siya nga ang pinagkakatiwalaan ni Tita Yvette at Tito Menard na namimili ng mga paninda sa siyudad. At balita ko rin ay may balak siyang mag-abogado, iyon nga lang ay gusto pa raw niyang magliwaliw muna sa bukid.

Good for him.

"Gusto mo ba? Hindi naman namin pinapabili, libre lang." Nginitian niya ako. "Hatiran nalang kita mamaya sa inyo, masustansya iyon para sa buntis."

"Sige, salamat." Tumango ako at nginitian din siya bago nagpaalam para umuwi na. Kailangan ko na kasing magluto ng pagkain para pagkauwi nina Tito at Tita ay hindi na sila maghahanda.

Kahit na sa gano'ng paraan man lamang ay makabawi ako.

Katulad ni Maya ay mabait ang mga magulang niya, ngunit katulad ko ay mayroon din silang matinding pinagdaanan sa buhay. At habang tumatagal ay napagtatanto ko na kung bakit nila ako tinutulungan. And I kind of feel bad for them.

"Ikaw ba ang nagluto, hija? Ang sarap ha!" Puri ni Tito Menard habang kinakain ang adobo na niluto ko.

Napangiti nalang ako. Adobo ang palagi kong niluluto dahil iyon ang nag-iisang putaheng naituro sa akin ni Mommy bago siya namatay.

"Oo nga, naparami tuloy kain ko. Oo nga pala, Ayn. Malapit na ang due mo, ha? Hindi pa ba sumasakit ang tiyan mo?" Tita Yvette asked worriedly.

Umiling ako. "Hindi pa naman po, Tita."

My babies are so behave, kahit na pagsipa ay madalang ko lang maramdaman pero sa tuwing nararamdaman ko sila ay may kakaibang tuwa na dumadalaw sa akin. Mas lalo akong nagkakaroon ng rason para mabuhay.

Pagkatapos kumain ay pumasok na ako sa kwarto at naupo sa gilid ng bintana. Staring at the moon while uttering a prayer has become a habit of mine before sleeping for the past weeks. I pray to God to give me more courage to face all of these, I ask for forgiveness dahil ang dami-dami ko nang pagkukulang sa Kanya, and I ask for His guidance.

Enticing the Untamed JewelWhere stories live. Discover now