Chapter 13: Off

1.1K 45 1
                                    


Racing hearts, shaking hands, sweating palms, flushing face, and butterflies in the stomach. I'm not that dumb not to know what they possibly indicate.

When I was young, I was told by my mom that I will get to experience them when I grow up... that someone will look at me and cherish me like I'm the most precious thing in the world.

And now, as I look into his eyes, I feel scared. Because it seems like my conscious mind was starting to envision those words or maybe... I'm starting to get delusional and see things that don't even exist.

Like that kind of look.

Damn. Mabilis at malakas ko siyang itinulak. Gago, hindi ako marupok. Hindi pwede! At hindi rin ako bobo para hindi mapansin ang unti-unti kong nararamdaman, mag-aabogado nga kasi ako, 'diba? At hindi pwede 'yon, 'di ako pwedeng maging mahina at magpadala sa nararamdaman.

"I hate blood, linisin mo muna 'yan," I swiftly said before walking away from him.

Nang makapasok ako sa loob ay agad na sumalubong sa 'kin ang mga kaibigan ko.

"Oh my gosh! I heard about what happened. Hindi ko nakita kasi nasa malayo ako but there was a commotion kaya lumapit kami kaso nga lang, wala na kayo no'ng dumating kami." Mabilis na sabi ni Olive at hinawakan ang braso ko.

"Okay ka lang ba, Gi?" Kelssey worriedly asked.

Tumango ako.

"Grabe! Anong nangyari? Sabi ni Olive wala namang something sa inyo, pero bakit daw siya nagalit? Selos ba?" Caryl asked but I chose to ignore her dahil hindi ko naman obligasyon na sagutin 'yon. 'Di ko rin naman kasi alam.

"Sure ka, okay ka lang?" They asked again, agad naman akong tumango.

"Don't worry about me, hindi naman ako natulak or what, kaya okay lang ako." I sighed and pulled the two of them. "Let's just have fun, 'yon naman ang pinunta natin dito, 'diba?" I chuckled because they still looked worried while looking at me.

Mabuti nalang ay tumigil na rin sila sa pag-aalala makalipas ang ilang minuto at nawili na rin sa pagsasayaw.

'Yon nga lang si Kelssey, mukhang may natitira pa ring tanong sa isip niya at hindi na naman nakatiis.

"Kumusta naman? Magkasama daw kayong lumabas? Ano? Bati na kayo?"

I sighed. Mala-media ang tanungan ah.

"'Di naman kami nag-away ah," sagot ko at hinila siya palapit kina Olive.

'Di naman ako nagsisinungaling, 'di naman talaga kami nag-away, naiinis lang ako sa kanya kasi hindi ko siya magets minsan. Lalo na kanina, bigla-bigla nalang nanununtok.

I danced the whole night with my friends. Medyo nakakainis lang dahil tanong nang tanong ang mga tao tungkol sa nangyaring panununtok but I decided to just ignore them. Hindi ko naman kasi kasalanan e. Malay ko bang bayolente pala 'yon, at malay ko rin kung may bad blood pala sila nung Cire na 'yon.

Nagdesisyon akong mag-enjoy nalang dahil sobra kong namiss ang pumarty.

"Oh my gosh! Feeling ko lasing na ako!" Kelssey shrieked when we finally went out of the bar. Grabe, inumaga na naman kami.

"Lasing ka na talaga," Olive hissed. "Ayan na nga pala ang sundo mo, tsupi na oy! Makakatulog ka na oh!"

"Grabe ka na, Olive. Oo na! Eto na, aalis na!" Reklamo ni Kelssey bago sumakay sa SUV nila.

I chuckled while looking at them, feeling a bit tipsy, too. Pero kaya ko naman na ang sarili ko.

"Ikaw din Olive, lasing ka na rin. May sundo ka?" I asked.

Enticing the Untamed JewelWhere stories live. Discover now