Chapter 35: Letters

1.8K 56 1
                                    


Patakbo akong lumabas ng ospital at pumunta sa parking lot but before I could even do it, I already fell to the ground.

My knees weakened and my tears started falling.

Bakit gano'n? Akala ko matapang na ako but just the sight of that devil was able to make me helpless and scared again.

I still feel helpless with that memory.

Nakakagalit, sobrang nakakagalit, ngunit nakakatakot din. Kasi paano? Paano kung wala pa ring patutunguhan ang lahat?

Paano kung talunan pa rin ako hanggang huli?

Steven is a lawyer himself. Matalino at toso. Kaya alam kong hindi siya madaling kalabanin at talunin.

"Gigi!"

Napabalik ako sa reyalidad nang makita si Sorel sa harapan ko. Agad akong umayos ng tayo kahit na nanginginig pa rin ang katawan.

"Okay ka lang ba? Namumutla ka at namamawis. Did something happen?" He asked as he held my shoulders. He then looked around.

"N-Nakita ko siya." Nanginginig kong sabi. I decided to tell him the truth.

"Who?" His eyes widened. "Steven Alcantara?"

Tumango ako at agad naman niya akong niyakap.

"That must've been scary." Aniya at tinapik-tapik ang balikat ko. "Don't worry, we'll do our best. We'll get the justice that you deserve." He whispered.

Tumango ako.

I will do my best, too. Even remembering all those things would make me feel sick and disgusted.

He pulled away and sighed. "May kailangan ka pang malaman, Gi."

"Ano 'yon?"

He pulled something out of the bag he was holding.

"May date na ang unang trial."

My eyes widened.

"Tuloy na ang laban, Gi. Lalaban tayo hanggang huli." He gave me a smile before encircling me again for another hug.

The next few days were hectic. Busy kami pareho ni Sorel para sa preparation. I had to search for evidences that could be useful sa kaso.

"Kumusta naman ang preparation?" Bungad sa akin ni Maya pagkauwi ko.

Tanging buntong-hininga lang ang naitugon ko bago umupo sa sofa kaharap niya.

"Oo nga pala, the result of the test is here already," she added and placed an envelope in front of me.

Napatitig ako ng matagal doon. A part of me wants to open it already but a part of me was still hesitating.

Hindi ko alam. Akala ko no'ng nagdesisyon akong kumuha ng sample kay Alistair ay handa na ako but now that it's already in front of me... I feel scared again.

Paano kung hindi siya? Ano ang sasabihin ko sa mga anak ko?

"Hey, it's okay. No rush. Kung hindi ka pa handa, then just keep it, saka mo na buksan kapag ready ka na." Maya smiled and hugged me.

Umiling ako habang nangingilid ang luha sa mata.

"Ang duwag ko." I whispered to myself.

"No, you're not. Ikaw pa rin ang isa sa mga pinakamatapang na babaeng nakilala ko, Gi. You've already been through hell pero nandito ka pa rin. Kaya hindi ka duwag. You're brave." Maya added.

I sighed. "Tingin mo kaya kong ipanalo ang kaso?"

She smiled. "Oo naman. The devil works hard but you always work harder. Kaya 'yan, mapapanalo natin 'to, okay? Don't lose hope. Marami kang kakampi, Gi. At huwag din tayong mawalan ng pananampalataya sa kanya." She smiled and looked up.

Enticing the Untamed JewelWhere stories live. Discover now