Chapter 33: Sample

1.5K 46 1
                                    


Because of what happened, I decided to lie low. Kahit na mahirap dahil araw-araw kaming nagkikita sa resort at hindi pa nakakatulong na napapansin ko ang mga tingin niya sa akin.

Ayoko maging assuming at ayoko ring isipin na may gusto pa siya sa akin. Kasi hindi naman siguro gano'n. Maybe he just really wanted to know what my reasons were. Ngunit alam ko namang hindi ko naman iyon maibibigay sa kanya.

Aside from that, what happened that morning made me realize something.

Na nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. I still care. I still get hurt. Kasi nandito pa rin e...

Mahal na mahal ko pa rin siya. Sa katunayan, hindi naman talaga iyon nawala.

At dahil sa muntik na mangyari no'ng gabing iyon, pakiramdam ko ay napukaw sa akin ang isang pakiramdam.

Longing. I was longing for him... for his touch and affection.

Isang bagay na mali at hindi ko dapat na maramdaman. Kasi hindi naman ako nandito para mahulog at manira ng relasyon. Nandito ako dahil may kailangan akong makuha. Nandito ako para sa mga anak ko.

I don't want my feelings to hinder my real mission.

"Okay ka lang ba talaga? You look pale." Sorel asked as he sat beside me.

I sighed. "Oo. Okay lang ako, namimiss ko lang 'yong mga bata." Although I actually feel a little dizzy and weak, hindi ko na sinabi sa kanya iyon dahil baka mag-alala na naman siya.

Tumagal ang tingin niya sa akin pagkatapos nun at sa ilang taon naming pagsasama ay alam ko nang may gusto siyang itanong.

"Ano 'yon?" I asked and smiled.

He sighed. "Kung hindi mo sana mamasamain, 'yong lalaki bang kausap mo no'ng isang araw, siya ba ang ama ng kambal?"

I bit my lip and looked away, nakita niya pala iyon.

"Pwedeng siya, pwede ring hindi. Hindi ko pa alam, Sorel. Iyon nga sana ang gusto kong alamin."

His eyes suddenly glistened. "Kaya ba nandito ka dahil doon? You want to know the truth?"

Tumango ako.

He smiled. "Just tell me if you need help, baka makatulong ako."

That was tempting but it was something that I should do personally... hindi ang ibang tao. Lalo na si Sorel dahil ang dami-dami na niyang nagawa sa akin noon, ayoko namang abusuhin ang kabaitan niya lalo na sa isang bagay na makakaya ko namang gawin.

"Salamat, pero ako na ang bahala doon." Nakangiti kong sagot. "Keri ko 'to, huwag kang mag-alala." I chuckled.

We were already on the last day of the seminar when I decided to resume what I needed to do.

It was now or never.

At dahil last day na ay napagdesisyunan nalang ng team na magkaroon ng konting salo-salo at bonding. Ang iba naman ay nagdesisyon na mag swimming and Alistair seemed to be one of them, kasama rin niya si Isabella na mukhang ready ng lumangoy no'ng pumunta sila.

Agad akong lumapit sa kung nasaan sila, sakto naroon din si Cyrene kaya hindi naging kataka-taka ang paglapit ko.

Napakapit naman ako sa poste ng cottage nang biglang naramdaman ang pag-ikot ng paligid. Bigla akong nahilo.

"Hey, okay ka lang?" Cyrene asked when he saw me, agad naman akong tumango.

"Natisod lang."

He chuckled. "Ingat ka. By the way, wanna swim?"

Enticing the Untamed JewelWhere stories live. Discover now