Chapter 32: Explanation

1.5K 51 1
                                    


"Kanina pa ako tumatawag sayo, jusmiyo! Tarantang-taranta na ako, akala ko kung ano na ang nangyari sayo! Hindi ko pa alam ang sasabihin ko sa mga bata no'ng tumawag sila kanina!" Bungad ni Maya nang sagutin ko ang tawag niya pagkatapos sumilong sa isang maliit na cottage. Hindi ko na alam kung nasaang banda ako ng resort dahil malayo-layo rin ang itinakbo ko.

"S-Sorry. M-May nangyari lang." I answered despite my shaking voice.

"Ha? Ano? Anong nangyari?" Natataranta niyang tanong. "Wait, umiiyak ka ba? Did you have an attack?"

My tears fell again. "Maya, narinig ko na naman siya kanina."

"Anong nag-trigger?" She asked again, now calmer. "Sorry, mamaya mo nalang sagutin. Hinga ka muna ng malalim, siz. Gawin mo ang itinuro ko sayo dati. Remember? Hindi sila totoo. You're not in danger. You're safe."

"I-I know. I know." I answered and closed my eyes as I did what Maya told me.

It's a breathing exercise.

I kept on doing that until my trembling subsided.

"Okay ka na? No more tremblings? How about your heartbeat?" Maya asked again after a few seconds.

"O-Okay na..." sagot ko at muling huminga nang malalim.

She sighed. "Good. Papunta na si Sorel d'yan para may kasama ka, baka kasi magduda rin sila kapag bigla kang umalis. Maya-maya nand'yan na 'yon, okay? Just keep on meditating. I'll get in touch with your doctor."

Tumango lang ako sa lahat ng sinabi niya.

Nang tumila ang ulan ay agad kong napagtanto kung nasaan ako. I was indeed on the far side of the hotel.

"Hey! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!" Cyrene said when he saw me walking back, basang-basa ang damit. "Saan ka pala pumunta, Ayn? Alistair told me that you suddenly ran away so I was worried. Hindi ko alam na magkasama pala kayo." He looked at me from head to foot. "And now, you're wet all over. Nagpaulan ka ba?"

I gave him a smile. "Nagpaulan po ako, namiss ko lang." I answered and looked around, magtatanong na sana kung saan ang mga gamit namin.

"Oh, your clothes are upstairs, sorry nagkamali ako ng sabi ng villa kanina, pangatlo pala iyon dapat hindi pangalawa."

I sighed. Kaya pala.

"Sige po, Sir. Salamat. Magbibihis muna ako."

"Go ahead, baka magkasakit ka pa. I don't want you sick, Ayn."

Tumango ako at dumiretso na sa malapit na CR.

I took a bath, changed clothes, brushed my hair, and spent the rest of the night tucking myself in the bed.

Pero hindi na naman ako makatulog. Tuwing pipikit ako ay naiisip ko ang nangyari. Nakakahiya.

Bakit ko ba naisip na panaginip lang? At bakit ba niya ako hinalikan din?

He has a fiance at hindi ba... galit siya sa akin?

Kaya bakit?

I suddenly feel guilty for Isabella because even though there's nothing between me and Alistair... I felt like we still cheated on her.

My hands started trembling again when I thought that maybe he did that... kasi akala niya gano'n pa rin ako.

That I didn't change at all.

There's nothing wrong with loving sex, ngunit sa inasal ko kanina ay tila pinatunayan ko ngang gano'n pa rin ako.

That I am still the impulsive Gigi.

Enticing the Untamed JewelWhere stories live. Discover now