Chapter 12: Tricked

1.2K 48 1
                                    


It was confusing and scary, especially because it was my first time to feel such emotions within me. Hindi ko alam paano i-ha-handle. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin. That's why I decided to take a break.

Hindi na muna ako makikipagkita sa kanya, lalo na't sariwa pa rin sa utak ko ang nangyari no'ng gabing iyon.

His fiance. His father. Every revelation that I heard. Lahat nun gumugulo pa rin sa isip ko.

"Ang seryoso mo these past few days?" Ani Kelssey saka tumabi sa'kin para silipin ang ginagawa ko.

"Malapit na naman kasi ang exam, syempre ayokong bumagsak, bawal 'yon sa vocabulary ko be," I answered and continued scrolling through my ipad.

Totoo naman ang sinabi ko na malapit na ang exam kaya ako nagrereview at 'di na muna sumasama sa mga lakad nila. Pero hindi lang 'yon ang nag-iisang rason kung bakit tumatanggi ako.

"Gaga, ang ibig kong sabihin ang bait mo naman yata masyado this past few days, ni hindi ka nga sumama sa'min ni Olive kagabi sa night out, mabuti nalang nando'n sina Caryl kaya hindi kami na out of place!" She pouted and pointed at our other friends.

Ginulo ko ang buhok niya. "Sus, namiss mo naman ako. Tsaka, mabait agad? 'Di ba pwedeng nagpapahinga lang kasi stressed lately?" I raised a brow. "I just need a break, deserve ko 'yon." I added.

Mas lalo naman siyang sumimangot. "Weh? Ba't feeling ko nagbabago ka na? Teka..." she stopped and looked around like she's making sure na walang makakarinig sa sasabihin niya. "Broken ka ba, Gigi? Oh my! Magbabagong buhay ka na?"

What?

Nasapak ko tuloy siya nang mahina dahil sa tanong niya. Babaeng 'to!

"Gagi, marites ka, oy? Lahat nalang gusto mong alamin ah!" I hissed and pulled her hair slightly. "At hindi ako broken, bruha. Ako 'to, si Gertrude. Baka nakakalimutan mo."

She smirked. "Nakalimutan mo nga rule mo e."

Muli kong itinaas ang kilay ko. "Well, that's for pleasure only."

"Pleasure, okay." Tumango-tango siya. "Kumusta na nga pala kayo ngayon? 'Di pa naman kayo nagkikita." Ngumisi siya at nangalumbaba pa na tila hinihintay ang sagot at pag-iiba ng reaksyon ko sa mukha.

I sighed. Dati gustong-gusto ko ang pagiging naturally curious ni Kelssey, pero ngayon hindi siya nakakatuwa. Dahil mukhang may gusto siyang hanapin sa mukha ko.

"Ayos lang," I answered. "Busy kami pareho e."

That was a lie. Dahil ang totoo, hindi ko alam kung busy ba siya o hindi. Wala kaming communication simula no'ng mga nakaraang araw dahil binlock ko siya simula no'ng gabing 'yon.

Wala, for my peace of mind lang. Mas lalong nagugulo isip ko kapag nakakausap o nakikita ko siya e. Kakausapin ko naman siya, pero siguro kapag matino na ulit ang isip ko.

"Busy? Nakita ko kaya siya sa tapat ng admin building kanina, mukha pang may hinahanap," singit ni Olive na nasa likod na pala namin. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Oh? Really? Baka hinahanap si Gigi?" Kelssey shrieked and looked at me. "Ito kasing kaibigan natin, nagpapakabusy rin masyado. Hindi na kinikita ang lalaki niya," she added and laughed.

Nakakatuwa ba 'yon?

"Bakit naman ako hahanapin nun? 'Di naman kami close, tsaka malay mo naman iba ang hinahanap! Hindi naman kasi nakakapagtaka na nandito siya dahil nandito rin naman siya nag-aaral." I fired back and tried to focus myself to what I am doing again, pero ang mga demonyo, 'di na ako tinantanan at panay ang tingin sa'kin. Wala silang sinasabi pero 'di naman ako manhid para hindi mahalata ang iniisip nila.

Enticing the Untamed JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon