Chapter 20: Helpless

1.2K 32 5
                                    


trigger warning: rape

"Aalis na ako," nakangiti niyang sabi sa 'kin. Bahagya naman akong nakaramdam ng hiya dahil nakahawak pala ako sa laylayan ng shirt niya. Hinatid ko kasi siya sa lobby at nang makarating kami ay halos hindi na naman kami mapaghiwalay.

Kung iba ang nakikita kong ganito ay nag-cringe na ako, pero iba pala talaga kapag ikaw na. Parang kinain ko tuloy ang mga salita ko.

"Teka lang," reklamo ko at muling lumapit sa kanya para bigyan siya ng halik sa labi.

"I love you," mabilis kong sabi.

Ngumisi naman siya. "I love you. Mas mahal kita." He shamelessly said. "Umakyat ka na, baka mamaya 'di na ako makapagpigil. Mapapagod ka na naman."

Oh, I kind of like that. Pero katatapos palang namin at may pasok pa kinabukasan kaya tama na nga muna siguro. Marami pa namang oras.

"Okay, see you tomorrow?" I raised a brow.

He smiled. "Yeah, see you. Good night."

Nakangiti akong bumalik sa unit ko but my smile immediately faded when I saw who's waiting for me outside my unit.

It's Steven.

I furrowed my brows. Kailan pa siya? Bakit parang wala naman akong nakita kanina? He's really creeping me out sometimes. Isa pa, bakit siya nandito?

"So you're finally back, huh?" He greeted me and smirked. Napataas ako ng kilay.

"Why are you here?" Malamig kong tanong at nanatili naman ang kakaibang tingin niya sa 'kin.

"Sinusundo ka?" He raised a brow and his lips twisted a bit. I suddenly couldn't explain his reaction.

I scoffed. "And you think I'll go with you?"

"You will. Definitely." He confidently answered. "Because I know you're not heartless."

What?

"Go home, wala kang mapapala sa 'kin. Hindi ako sasama sayo. I'm busy." I answered and just decided to dismiss him dahil ayoko nang makipagtalo pa. But the next words he said almost made me lose my mind.

"Our father's sick and he's looking for you."

He's sick? And he's...finally looking for me?

I frustratedly sighed. Tama nga siya, I'm still not heartless...especially when it comes to my father.

Malaki ang sama ng loob ko sa kanya but hearing that news made me feel really worried. Dahil kahit na gano'n, ama ko pa rin siya. Hinding-hindi ko na siguro iyon maaalis sa sistema ko.

I went home with Steven after hearing the news, only to find the house almost empty when we arrived.

That was odd. Steven went to his room after that, samantalang ako ay pumunta muna ng kitchen para tingnan kung mayroon ba nung favorite kong wine sa ref.

Thankfully, meron, and I started drinking.

"Nasaan siya? Nasaan sila?" I asked him when he came back, but he just smirked.

"At Cebu? Who knows? What I know is that they're out of town."

What?

"You lied." Galit kong saad ngunit nanatili lang siyang nakangisi habang nakatingin sa 'kin, like he was enjoying my annoyed face.

"Well, ayaw mo ba nito? Nakauwi ka na ulit, you'll finally get to rest comfortable in your room. Malayo sa siraulo mong boyfriend."

I raised a brow. Siraulo? Wow. Sino kaya ang siraulo sa kanilang dalawa?

Enticing the Untamed JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon