Chapter 45: Promise

2.1K 35 0
                                    


This is the last chapter of Enticing the Untamed Jewel and I sincerely want to thank everyone who made it up to here. It really means a lot to me and I hope that you're able to grab even just a fragment of lesson from Grayson and Gertrude's journey. I love you all. :*

———

"Basta ako maid of honor ah!" Maya beamed, ginugulo pa rin ako kahit na ilang araw na ang nakalilipas matapos ang eksenang iyon.

"Excited ka! Wala pa nga!" I answered and threw a pillow on her.

"Oo nga pala, engaged palang kayo... engaged na walang singsing. Astig din e 'no, pareho kayong mayaman pero walang singsing." She laughed.

"Gaga!" I muttered.

May point nga naman siya.

"Hinintay mo pa kasing maaksidente bago ka pumayag! Pero ayos talaga eksena mo sa ER, for the first time, Gigi Alcantara lost her cool!" Pagpapatuloy pa niya at napailing nalang ako't umalis dahil nakakaasar marinig iyon.

Medyo nakakahiya nga kasi ang ginawa ko. Parang ang OA ko sa part na 'yon. But then, at least I've said those words already, the feelings I've been keeping inside of me.

"Hi, daddy! Welcome home!" Gab smiled and greeted his father who just got home.

Agad niyang nilapitan ang kambal at hinalikan ang mga ito sa noo. After doing that ay agad siyang lumapit sa akin at hinalikan din ako, tila kiniliti naman ang tiyan ko dahil sa mga paro-parong gumalaw sa loob nito.

Damn his effect on me.

I smiled and went closer to loosen his necktie at hubarin ang coat na suot.

"Finally," nakangiti niyang bulong at pabirong pinatakan ng halik ang tenga ko.

"Oy, ang sweet." Dylan chuckled as he teased us, awtomatiko naman akong napalayo kay Alistair, ngunit muli rin niyang hinapit ang beywang ko para mapalapit sa kanya.

"Mommy, parang kailangan na po namin ng kapatid!" Gab added at mas lalo naman silang napatiling dalawa.

Damn, hindi ko alam kung saan nila natutunan ang kiligin. Nako, si Maya siguro nagturo nun! Lokang 'yon! O baka naman...

I looked at Alistair. Siya ba ang nagturo?

"Gago, ang babata pa ng mga 'yan!" Pinaningkitan ko siya ng mata.

He chuckled. "What? Did I do something wrong?"

"Ewan ko sayo! Kung anong pinangtuturo mo sa mga bata!"

He smirked. "Hinahanda ko lang, baka kasi next year may kapatid na sila."

What? Gago!

"Biro lang, ikaw naman, galit agad." Malambing niyang sabi bago ako niyakap mula sa likod na agad namang ikinapula ng mukha ko.

It's been almost a week since the day when I said that I want to get married to him, but we haven't talked yet about what we're gonna do next. Pareho pa rin kasi kaming abala sa mga bagay-bagay. I'm busy saving everything that my father left while he's busy sorting things with his father.

Hindi ko man alam ang susunod naming gagawin ay ayos lang, ang importante ay alam naming gusto naming makasama ang isa't isa. Mahirap din kasing magsimula nang hindi pa naaayos ang lahat. Mas mabuti na ring tapusin muna namin ang kanya-kanyang problema sa pamilya.

"Nagluto nga pala ako ng adobo. Kung hindi ka pa kumakain, you should eat." I smiled and took off the apron I'm wearing.

"Of course, I wouldn't miss it for the world." He smiled and snaked an arm around me as we walked to the kitchen.

Enticing the Untamed JewelWhere stories live. Discover now