Chapter 42: Content

1.8K 41 0
                                    


"Hala, ano 'to?" Maya's eyes widened when she saw us four on the sala of her condo. "Nananaginip ba ako o totoong nangyayari 'to?" Kinusot niya ang kanyang mata at umiling. "Ay hindi, lasing pa yata ako."

Seryoso kaming apat at naiiyak pa nang lumabas siya but I couldn't help but let out a chuckle because of her reaction.

Ang sissy kong 'to talaga.

"Oo nga, lasing ka pa." I smiled at her. "Nga pala siz, si Alistair. Alistair, si Maya, ang nabanggit ko sayo nakaraan. Siya ang tumulong sa amin."

Maya's eyes widened more. "Tangina, totoo nga! Anong nangyari't magkakasama na kayo? Nagkaroon ba ng himala?"

Alistair smiled and walked to her direction habang hawak-hawak pa rin ang kambal na tila nalilito habang naiiyak pa rin.

"Hi, I'm Alistair. It's nice to finally meet you. Thank you for taking care of my family, ang dami ko nang utang sayo." He uttered with sincerity and smiled, he also extended his hand.

Mukhang tuod naman iyong tinanggap ni Maya at bahagyang nakanganga pa.

"I-Ikaw nga 'yon, para talaga kayong pinagbiyak na bunga ni Dylan." Natatawang sabi ni Maya.

"Ako rin kaya, Tita Ninang!" Gabrielle interrupted.

"Right, my princess." Alistair smiled and pinched her cheek.

"Gaga, 'di pa rin ako makapaniwala?!" Gulat pa ring sabi ni Maya habang pabalil-balik ang tingin sa aming apat.

I sighed. Kahit naman ako nagulat. Hindi ko rin kasi alam na ganito pala ang mangyayari. I was just partying last night, pero ngayon...

I smiled. At least, it turned out to be fine.

I'm actually thankful. Pakiramdam ko ay may kung anong bigat na nawala sa akin. And to see the twins smiling, looking glad that they've finally met their father... it was a pure bliss.

"U-Uh, magluluto muna ako ng agahan," I smiled and my gaze fell to his direction. "Dito ka na rin kumain."

The twins beamed and smiled.

"Thank you, mommy!"

Nang umalis ako papuntang kitchen ay panay pa rin ang titig sa kanya ng kambal na tila mawawala nalang siya bigla sa paningin nila. While Maya was also doing the same thing, habang nakatitig kay Alistair.

I scrunched my nose when sleepiness suddenly visited me ngunit agad din akong napangiti. Worth it ang puyat. Mabuti nalang... mabuti nalang talaga ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na buksan ang envelope na iyon.

Dahil ilang araw na ring hindi nakapag grocery, I just ended up cooking bacon and eggs for breakfast. Hindi ko alam kung okay lang kay Alistair but as far as I can remember, hindi naman siya maselan sa pagkain no'ng araw.

Kung ano-ano nga ang kinakain e, hayy.

"Aren't you sleepy?"

I almost jumped at where I was standing when he suddenly showed up in front of me.

Agad akong napailing kahit na ang totoo ay medyo nakakaramdam na ako.

"You should rest, I don't think you slept last night."

Mukhang kilala niya pa rin ako. Sabagay, sino ba naman ang makakatulog sa mga ganap kagabi? Medyo madali lang mahulaan iyon.

"Ikaw din naman, magpahinga ka rin." Sagot ko habang inaayos ang hapagkainan.

Tumango siya. "I will. But after you rest. Saka lang ako aalis kapag tulog ka na. Uuwi lang ako para kunin ang gamit ko at babalik din agad ako."

Muntik ko nang mabitawan ang baso dahil sa narinig.

Enticing the Untamed JewelWhere stories live. Discover now