Chapter 43: Sorry

1.7K 45 1
                                    


The days went on at maayos naman kami. Kagaya ng sinabi ko, sinubukan ko nalang na makuntento.

Alistair and I were both casual with each other. He always try to strike a conversation with me, sinasagot ko naman, I always answer his questions calmly and casually.

Gano'n lagi ang eksena. Nasundan din naman ang pagtulog niya sa condo but I was busy that time dahil marami akong papeles na binabasa at sa sobrang puyat ko ay sa sofa ako nakatulog. Nagising nalang ako na may kumot na and I guess Maya did that dahil madaling araw siyang umuwi noon galing sa ospital.

Mabilis lumipas ang apat na araw and when the twin's birthday came, maaga palang ay gising na kaming dalawa para isurprise sila ng cake pagkagising.

"Happy Birthday!" We said in unison, habang may kanya-kanyang hawak na cake. Isang pink na unicorn cake para kay Gab at Spiderman-inspired cake para kay Dylan.

"Thank you, mommy and daddy!" Gab went to us and hugged us both.

"Ang saya-saya po namin ngayon, kasi kumpleto po tayo."

Pakiramdam ko ay may humaplos sa puso ko nang marinig iyon. I almost got teary eyed nang niyakap sila nang mahigpit.

They were all smiles after that, syempre dahil kagaya ng napag-usapan ay pupunta kami ng EK.

When we got there, wala silang sinayang na oras at agad na nag-enjoy sa rides, halos lahat yata ay sakyan na nila at game naman si Alistair na samahan sila.

Aba, mukhang namana ang pagiging adventurous ng ama na kahit delikado ay g lang.

Natatawa naman ako habang tinitingnan sila. Ang cute kasi.

Agad na yumakap sa akin si Gab pagkagaling ng roller coaster. Akala ko ay nahihilo pero hindi naman pala, mana nga talaga sa ama.

"Here, water," I smiled and gave her the bottled water I bought.

Agad naman niya iyong ininom. Ngunit hindi pa siya nangangalahati nang bigla may dumaan sa likod niya't natulak siya, natapos naman sa akin ang tubig na nasa bote.

Nabasa ang unahan ng suot kong blouse at dahil medyo manipis ito ay naging see through tuloy ang bra ko.

"Papa, pahiram panyo!" Dylan muttered with panic. Alistair's eyes were still on my chest ngunit nalipat din ang tingin sa anak nang magsalita ito.

Agad niyang kinuha ang panyo sa bulsa niya at iniabot sa akin.

I smiled. "Thanks."

Ginamit ko ang panyo para punasan ang nabasang parte ng damit at takpan ito but he seemed so displeased while looking at it.

"Wait here, I'll just go get something." Aniya at tinalikuran kami.

I pouted. Bakit mukhang galit?

"Daddy is so cool!" Dylan beamed.

"Oo nga, mommy! He's fearless, hindi siya takot sa height!" Gab added and let out a small giggle.

Natawa rin ako. Hay nako, anak. Mukhang 'di nga rin 'yan takot sa kamatayan.

"Matapang si daddy mo e, kaya magmana kayo sa kanya, ha?" I smiled.

We were in the middle of our chattering when Alistair came back at may dalang dalawang paperbag. Binigay niya ang isa sa akin.

"Change your shirt," mahinahon niyang sabi. "Sasamahan ka namin sa CR."

Uh? Binilihan niya pala ako ng shirt. Pero parang ang dami naman yata niyang pinamili. Sabagay, baka para sa mga bata 'yong iba. Souvenier, gano'n.

Enticing the Untamed JewelWhere stories live. Discover now