Chapter 44: Kiss

1.7K 43 0
                                    


Mahal ko siya. Mahal na mahal pa rin but the moment he said those words to me, I got scared.

I got scared na baka nalilito lang siya, that his vision just got clouded because of the thought that he has children with me.

And also, I've thought of Isabella. Paano kung siya naman talaga ang mahal niya at nalilito lang siya ngayon?

I don't want to ruin his life again by letting him make a wrong decision.

I love him but I don't want to be selfish anymore.

Ever since that night ay halos hindi na kami masyadong nag-usap ni Alistair. I was avoiding him, yes. Dahil pakiramdam ko ay mas makabubuti 'yon sa kanya. He needs time to think.

Maglilimang araw na rin ang nakalilipas buhat ng araw na 'yon and we're already back in Manila. Bumalik kami dahil may kailangan akong asikasuhin and the twins went with me again, gusto ko rin naman talaga silang isama dahil hindi ako mapakali kapag malayo sila.

Alistair kept doing the same. He would go to the condo everyday and spend time with the twins, ang kaibahan nga lang ay hindi na kami masyadong nag-uusap.

"Saan punta mo?" Maya asked, kakauwi lang niya galing ospital at nakahilata sa sofa't pinagmamasdan ang dalawa na naglalaro sa lapag.

"I'll just meet some people for a case," sagot ko habang inaayos ang suot na sapatos.

She nodded. "Musta naman ang puso mo?"

"It's fine." Kaswal kong sagot.

"Sigurado ka?" She asked and raised a brow. "Hindi ba't masyado mo namang pinapahirapan ang sarili mo?"

I sighed. "Hindi naman, I just don't want him to make a wrong decision."

"Hay nako, pareho lang kayong nahihirapan e. Pag-untugin ko kaya mga ulo niyo, ano?" She rolled her eyes at natawa nalang ako nang mahina.

"Kayo ring dalawa, pag-untugin ko nalang kaya kayo?" I smirked and get up to get my cardigan on the sofa beside her.

"Iba naman 'yong amin e." She sighed.

"Aalis na ako," nakangiti ko nalang na sagot bago umalis.

I met the client in a company around BGC after that. It was just about a case I am going to handle. Mabilis lang natapos ang meeting and when I was about to go out of the building, my eyes caught someone familiar.

Si Isabella.

Mukhang nagulat din siya nang makita ako and I didn't expect that she would smile at me after that.

"Gertrude!" She smiled and approached me.

I smiled back. "Hi, Miss Isabella."

"Oh, no! Isabella nalang!" She muttered and I was surprised when she suddenly held my arm. "Actually, I want to ask. Do you have time?"

Tumango ako. "Yes."

"Then, can we talk over a coffee?" She asked with her friendly voice. Muli naman akong tumango bilang tugon.

Thankfully, the building has a cafe kung kaya't doon nalang kami dumiretso.

"I'm glad you let me talk to you, si Alistair kasi ayaw e. Baka raw kasi kung ano ang sabihin ko." She laughed.

I furrowed my brows.

"Gagong 'yon, akala mo naman ilalaglag ko mga iniyak-iyak niya sa akin noon, e ilalaglag ko naman talaga kung gaano siya ka patay na patay sayo. Damn that boy." She continued and sipped on her coffee.

"G-Gaano na ba kayo ka tagal na magkakilala?" I asked and looked away.

"Ah, 'yon! I think it's already been seven years, nagkakilala kami after his brother, Luke, died."

Enticing the Untamed JewelWhere stories live. Discover now