Chapter 27: Fiancé

1.4K 46 1
                                    


"Musta ang party?" Bungad ni Maya pagkarating ko sa kanila. I was still wearing my gown pero 'di ko na nagawang bumalik sa hotel room at dumiretso nalang sa kanila nang matapos kami ni Neil.

When Alistair turned his back ay mukhang umalis na nga ito sa venue because I didn't see him again. And I couldn't help but think that it was because of me... because he couldn't stand my presence.

Hindi naman ako gano'n kamanhid para hindi mapansin ang galit niya sa akin at hindi ko naman siya masisisi doon. I will never.

"Nakita ko siya." I sighed. "Sa party."

Maya's eyes immediately widened in shock.

"Hala omg! Seryoso? 'Yong TOTGA mo?"

Muli akong bumuntong-hininga at tumango.

"Hala! Weh! Grabeng coincidence naman 'yon! Kumusta naman? Anyare?"

I gave her a small smile. "Wala e, galit. Nagwalk-out."

Maya sighed and gave me a gentle pat on my shoulder.

"Okay lang naman 'yon. Naiintindihan ko naman."

"Pero mali ang alam niya. You didn't cheat on him."

Umiling ako. "Hindi nga... pero hindi ko nilinaw sa kanya ang nangyari. I made him believe that I did really cheat on him. Kaya, I can't blame him."

Maya gave me a small smile before holding my hand. "Ano naman plano mo ngayon?"

"Wala. Wala naman akong balak na pumasok pa ulit sa buhay niya. He's already successful now, Maya. Ayoko nang manggulo pa. Okay na rin naman ako, alam mo 'yan. I'll just let what happened remain the way it is in his perspective. Wala na rin namang magbabago. Masyado na kaming nagkasakitan dati, ayoko nang dagdagan pa iyon. We're already in the present now, ayoko nang hilain pa siyang muli sa nakaraan."

Maya nodded. "Naiintindihan kita, pero...paano ang mga bata?"

I smiled again. "They're my children. That will remain that way."

She sighed. "Kahit na malaki ang posibilidad na siya ang ama?"

I bit my lip. "That's just a hunch. Wala pa rin tayong pruweba, at kung siya man, ayoko pa ring bumalik sa buhay niya. I don't want to give him the responsibility he didn't ask for. At kaya ko rin namang palakihin ang mga bata ng ako lang."

Maya smiled. "Okay, I respect your decision. Basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang ako ah?"

I smiled. "Salamat, Maya."

"Oo nga pala, tulog na tulog na ang dalawa, napagod makipaglaro kay Mama at Papa. Tuwang-tuwa talaga silang dalawa sa kambal at potek bigla akong hinanapan ng apo! Eh jowa nga wala ako!"

I laughed. "Sagutin mo na kasi manliligaw mo! Huwag mo nang hintayin 'yong wala namang planong bumalik!"

She just rolled her eyes before walking away. Naiiling naman akong pumasok sa kwarto kung saan natutulog ang kambal at agad silang niyakap at hinalikan.

I changed my clothes and did my skincare routine, pagkatapos ay tinabihan ko na sila.

I sighed as what happened replayed inside my mind again.

"I saw him again today, ang lalaking kinukwento ko palagi sa inyo no'ng nasa tiyan ko kayo." I smiled and whispered to nothingness as my tears started falling again.

I am just happy to see him doing well.

"Magaling! Ang galing talaga mo talagang humanap ng sponsors! Ang dami tuloy naming narecruit!" Neil happily said when we met again.

Enticing the Untamed JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon