Chapter 14: Light

1K 42 3
                                    


I didn't know how I fell asleep that dawn after hearing those words from him. Ang alam ko lang ay litong-lito ako dahil hindi ko gets bigla kung bakit niya iyon gagawin para sa akin. Dahil sino ba ako? I'm just his fuck budy slash friends with benefits. Hindi naman kami magjowa.

Nakakalito ang tagpo bago ako matulog dahil sa dami ng tanong sa isip ko, and maybe it was the alcohol that made me sleep, dahil kung isa lang iyong ordinaryong araw na hindi ako nakainom ay siguradong hindi ako makakatulog buong gabi.

Nagising nalang ako kinabukasan na gutom na gutom at wala na siya sa tabi ko.

"Damn, mabuti nalang wala akong pasok." I muttered when I saw what time it was already.

Kumakalam pa ang sikmura ko dahil ang huling kain ko ay no'ng pagkatapos pa ng match.

"Wow, thoughtful." I chuckled when I saw a delivered meal from a popular restaurant when I went to the kitchen, may nakalagay ding sticky note doon.

'Eat before you leave'

"Concern 'yan?" I chuckled before opening the paper bag.

Dahil gutom ako ay mabilis kong naubos ang pagkain, pagkatapos ay naligo na rin muna ako. Ang lagkit na kasi sa feeling.

"Aray naman," reklamo ko nang masagi ang sugat sa tuhod, doon ko lang napansin na medyo malaki nga pala ang gasgas. Kaya pala nagpumilit 'yon kagabi na gamutin ito.

I rummaged through his bathroom after showering, hinahanap ko 'yong first aid kit para magamot ang sugat ko. No'ng hindi ko mahanap doon ay lumipat ako sa nakabukas niyang walk-in closet and thankfully, nahanap ko na rin. 'Yon nga lang ay hindi lang ang kit ang nakita ko.

Beside it were bottles of the same brand of medicine, probably ten to fifteen bottles of it which was why it caught my eyes.

Para saan ang mga gamot na 'to? Is he sick or something?

Kumuha ako ng isang bottle at binasa ang nakaprint na detalye.

Olanzapine

Iyon lang ang nabasa ko dahil sinara ko na ang drawer. Bigla akong na-guilty. Hindi kasi ako dapat nangingialam ng gamit ng ibang tao. But damn, my curiosity couldn't stop me.

That's why I found myself searching for it on the internet minutes after, habang naglalakad ako papuntang sakayan.

Gulat akong napahinto at muntik ko nang mabitawan ang hawak kong phone nang makita ang lumabas sa search results.

It is an atypical antipsychotic used to manage schizophrenia and bipolar 1 disorder. 'Yon ang sabi sa una kong binuksan na link but I refuse to believe it dahil baka hindi naman legit.

I searched for more information at nanghihina nalang akong napaupo when I realized that it was indeed an antipsychotic drug.

Pero bakit? Anong meron? Does he have some sort of a mental illness?

I shook my head. I am not a Psych student and I don't have much knowledge when it comes to psychology stuff kaya ayoko... ayoko munang mag-isip ng kung ano. At kahit meron man, hindi pa rin tama na mang-judge agad.

But then, that thought never left my mind since that day.

At nang makalipas ang ilang araw at aksidente kaming nagkita ay hindi ko maiwasang obserbahan ang mga galaw niya.

"Didn't know you like spicy noodles," he smirked while mixing the bowl of noodles in front of me.

Nagkita kasi kami sa may pav at bigla siyang inaya ng dalawang bruha. Mga feeling close amp.

Enticing the Untamed JewelTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang