Epilogue

2.4K 62 15
                                    


After that rain, she left without a trace.

"Tangina! Anong ginawa ko?" I angrily muttered as I hit the pillar with the broken glass I was holding.

Halos magdadalawang-linggo na simula no'ng mawala siya and I still don't have a news about her.

"Fuck!" I cursed and threw another bottle away which made a shattering noise.

Tangina, she cheated on me! That's what she told me! Pota ang sakit, kasi akala ko minahal niya ako e. Akala ko totoong tinanggap niya ako sa kung sino ako at lahat ng mga pagkukulang ko bilang tao, but no...

Tama nga siguro ang mga kapatid ko, I will never be enough and no one will love me sincerely for who I am. Kas ganito ako... I am messed up person.

I stood and punched the wall, making my knuckles bleed. Pero kahit na gano'n ay tila wala na akong maramdamang sakit. I felt numb already.

"Awatin mo, gago!"

"Gago, ba't hindi ikaw ang gumawa?"

I heard Cire's voice and I saw him standing behind me with Leon, pareho silang nakatingin sa akin na tila gustong lumapit, but I know they're already aware that neither of them could stop me.

I was still angry for the next few days, hanggang sa umabot na ang isang buwan at wala pa rin akong naging balita sa kanya. I tried asking people I know for help pero maging sila ay walang nagawa.

Just like that, she disappeared from my life. At nang mapagtanto iyon ay agad akong nagsisi.

Sana pinalampas ko nalang ang nangyari. Sana nagbulag-bulagan nalang ako. Sana hindi ko nalang pinakawalan ang mga salitang iyon. Sana pinatawad ko nalang siya. Sana nagpakatanga nalang ako.

Her situation was dire. Lahat ng tao ay pinag-uusapan at hinuhusgahan siya, even her friends at pati ako. No one stayed by her side and I couldn't imagine how hard it was for her. Kaya siguro umalis nalang siya.

Ang gago ko. Sana kahit kaibigan man lang ay nanatili ako sa tabi niya because no one deserves to be humiliated that way. She's not perfect, yes, pero hindi pa rin niya deserve iyon. At ang gago ko, kasi inuna ko na naman ang emosyon ko.

"Babalik pa siya. Babalik siya. Her dreams are important for her kaya babalik siya..." I repeatedly muttered to myself to ease the regret I'm feeling and covered my face with my hands as tears ran down my face.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, lahat na yata ng paraan ay sinubukan ko na, kahit na ang subukang kausapin ang pamilya niya. And I even hate them more after doing that dahil tila wala silang pakialam, like they don't care about her existence at all.

"I don't know. Malay ko ba sa rebeldeng iyon. Naglayas nalang siguro dahil nahiya sa ginawa niyang pagsira sa pamilya namin. Kaya huwag mo nang hanapin, wala namang kwenta iyon. Marami pa namang iba d'yan, 'yong maganda, matalino, mayaman, disente, at walang scandal." Sabrina Alcantara answered which made me want to hit a girl for the first time.

And at that moment I realized why Gertrude despises her family, kasi gano'n pala sila. Walang pakialam ang kanyang ama at ang papalapit lang na eleksyon ang iniisip, ang kanyang stepmother ay mukhang gano'n din and I don't know why I never liked that woman's vibe, there's just something about her that screams arrogance and mischief. On the other hand, her step siblings didn't seem to care about her disappearance.

But still, I didn't give up and tried approaching them again.

"Bakit mo pa ba hinahanap? She already ran away, and please, stop talking to me! Wala kang makukuha sa akin!"

That's what Sophia Alcantara answered when I asked her but unlike the elder sister, Sophia was somewhat calm, and there was sinister in her eyes that kind of showed that she knew something.

Enticing the Untamed JewelWhere stories live. Discover now