30 - THE GIFT OF LIFE

6.6K 227 7
                                    

Chapter 30

THE GIFT OF LIFE

Sinalubong ako ng aking kapatid pagkalabas ko ng kweba. Wala sa sariling nilagpasan ko siya at dumiretso ako sa ilalim ng isang puno at umupo. Nanatili akong nag-iisip nang malalim.

"Anong nangyari sa loob bunso?" Nag-aalalang tanong ng kuya ko na inulit niya pa ng tatlong beses bago ko siya narinig.

"Ha?" Kunot-noong nabaling sa kanya ang atensyon ko.

"Tinatanong ko kung anong nangyari sayo. Bakit naglalakbay sa malayo ang diwa mo? Kanina pa kita tinatanong pero ngayon mo lang ako narinig."

"Pasensya na Kuya. Iniisip ko lang kasi yung mga natuklasan ko. May mga bagay akong nalaman na kailangan ko munang pag-isipan mabuti bago ako kumilos." There are aspects of my previous plan that I need to change. The knowledge given to me by the wise tree has given me insight that what I had planned was not enough. For it to work, the sacrifice must not be in vain. At yun ang hindi ko maintindihan at hanggang ngayon ay pinipilit ko pa ring intindihin.

Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan naming magkapatid bago ako nakapag-desisyon na humingi ng pabor sa kanya. "Kuya may gagawin pa ko dito sa hardin. Pwede bang ikaw na ang sumundo sa Prinsipe? Dalhin mo siya sa bahay namin sa mundo ng tao. May hardin ako sa likod-bahay. Sabihin niyo kay Nanay at Tatay na sinabi ko na dun ko kayo pinaghihintay."

"Pano ka? Mag-isa ka lang dito?" Nag-aalangan siyang iwan ako.

"Babalikan ko muna si Miles. Iuuwi ko na siya sa mundo ng tao. Binalaan ako ng mahiwagang puno na hindi siya pwedeng mag-stay dito dahil magkakaron ng epekto sa pagkatao niya kapag namalagi siya sa mundo ng diwata nang matagal."

Tumango siya. "Nawa'y pagpalain ka ng Bathala sa binabalak mo. Mag-iingat ka Aya." Sabi niya bago siya maglaho sa paningin ko.

Nang mawala na siya, tinahak ko ang daan pabalik kila Calisto. Pinili kong maglakad para makapag-isip na din. Nang tinanong ko ang puno tungkol sa nalaman ko, he answered that my sacrifice for the Prince will be a big part in saving him. But a mere part nonetheless. He also said that a sacrifice forcefully taken by a creature with a dark heart is no sacrifice at all. The gift of life must not be in vain and the recipient must be worthy of the gift.

Nasa malalim pa rin akong pag-iisip nang mapagtanto ko na malapit na ko sa kampo nila Miles. Isa pa yun sa pinagtaka ko. Bago ko lisanin ang kinaroroonan ng puno sa kweba, sinabi niyang nasa bingit ng isang malaking pagbabago ang buhay ng matalik kog kaibigan. He said that the Garden of Eve was made for fae creatures and those who aren't but stayed in it for long will face a grave consequence. He advised me to get my friend and bring her back to her own world bago mabago ang takbo ng buhay niya.

Dahan-dahan akong naglakad para mapansin nila ang presensiya ko at para mabatid nila na hindi ako kaaway.

Nang makita ako ni Miles, tinakbo niya ang distansya sa pagitan namin at niyakap ako nang mahigpit habang umiiyak kaya naman nag-alala kagad ako para sa kanya.

"May masamang nangyari ba sayo? Bakit ka umiiyak?!"

Nagpatuloy lang siya sa paghikbi kaya tiningnan ko sila Lestor, nagbabakasakaling masagot nila ang tanong ko.

"Nang makabalik kami rito mula sa pangunguha ng mga kahoy, sabi niya may kakaibang nararamdaman daw siya. Hindi niya maipaliwanag pero pakiramdam niya may mawawala daw sa kanya na mahalagang bagay. Hindi na siya tumigil sa pag-iyak mula nun."

Kinabahan ako sa narinig ko. Baka nangyayari na ang babala ng puno tungkol kay Miles. Kailangan ko na siyang alisin sa mundong 'to. "Bilisan niyo ang kilos niyo. Babalik na tayo sa mundo ng mga tao. Hindi makakabuti kay Miles na manatili rito."

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now