10 - STARTLING DISCOVERY

8.6K 288 5
                                    

Chapter 10

STARTLING DISCOVERY

It's already past eleven a.m. and hinihintay na lang namin na sunduin kami ng aming driver for the day na si Jet. Habang wala pa siya, nakipaglaro muna kami kay Sirius sa garden.

"Fetch baby!" Binato ko nang medyo malakas yung tennis ball. May kalakihan kasi ang front lawn namin kaya malaki ang playground ni Sirius.

"Bes! Ipagawa mo naman sa kanya yung mga tricks niya, ivi-video ko para may mai-post akong video sa IG." Huma-Hayden Kho na naman 'tong kaibigan ko. Gusto na naman mag-video.

Pero dahil mahal ko siya, pinagbigyan ko ang kahilingan niya. Isa-isa kong pinagawa kay Sirius lahat ng alam niyang dog tricks. Madali lang naman ipagawa sa kanya lahat yun dahil nakakapag-usap kami nang maayos. Saktong pagkatapos mag-video ni Miles dumating si Jet.

Lumabas kami ni Miles dala ang mga gamit namin para salubungin siya. Bumaba naman siya at yung driver nila para tulungan kami sa pagbubuhat. Bago kami pasakayin sa kotse, may sinuot muna siya sa leeg ni Sirius.

"Binilan ko siya ng collar para malaman ng ibang tao na domesticated wolf siya. Napansin ko kasi na wala siyang suot nung nakaraan e." Sabi niya sakin habang nakaluhod parin sa harap ni Sirius

"Salamat! Hindi kasi talaga ako sanay na suotan siya ng ganyan kasi hindi naman yan lumalabas ng bahay mag-isa."

"Nakabuntot lang kasi yan lagi kay Aya kaya hindi niya kailangan ng collar kasi never naman yan maliligaw o mawawala." Paliwanag din ni Miles.

"Pansin ko nga. He's like her shadow. If I didn't know better, I'd think he's her bodyguard. Tara na para hindi tayo maubusan ng magandang upuan sa bus." Yaya samin ni Jet.

******

Pagdating namin ng university, halatang nagulat at natakot ang ibang estudyante kay Sirius. Kahit pa hawak-hawak ni Jet yung leash niya, obvious naman na sa laki ng alaga ko, kayang-kaya niyang makawala sa pagkakatali kung gugustuhin niya.

"Nakakatawa yung itsura nila. Kung pwede lang kukunan ko sila ng video kaso baka ma-bully tayo 'pag pinagtripan natin sila." Palihim na tumatawa si Miles.

Lumapit kami sa mga teachers na makakasama namin para ipagpaalam si Sirius. Pumayag naman sila dahil inassure namin na hindi mangangagat si Sirius. Pinakita din ni Miles ang mga tricks niya para ipakita na masunurin siya.

"Ano pala kinakain ng alaga mo Aya?" Tanong sakin ni Sir Aries na isa sa mga teacher na kasama namin sa outing.

"Nilagang manok po ang paborito niya pero pwede po kahit anong karne."

"Sasama na lang po kami ni Aya kapag mamamalengke kayo para makabili kami ng mga manok, Sir." Pagpiprisinta ni Jet.

"Ah sige. Sumama na din kayo Mark at Charles para may katulong kami sa pagbubuhat."

"Yes Sir!" Sabay na sagot nung dalawa with matching salute p.

"Sumakay na kayo sa bus para makaalis na tayo."

Naunang sumakay sila Charles kasi nagpasama pa sa C.R. si Miles. Si Jet naman hinintay kami sa labas ng C.R. kasi hawak niya si Sirius dahil ayaw akong iwan ng alaga ko.

'Pag sakay namin ng bus medyo nadismaya ako dah magkatabi na si Charles at Cindy. Balak ko pa naman sana siyang patabihin kay Jet. Si Mark naman sinave yung katabi niyang upuan for Miles kaya ang ending kami ni Jet ang magkatabi. Si Sirius naman humiga sa aisle katapat ng upuan namin at natulog na.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now