11 - DIVIDED KINGDOM

7.3K 258 25
                                    

Chapter 11

DIVIDED KINGDOM

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Sirius tungkol sa kagubatan. Gusto ko na nga sanang puntahan 'yun kanina kaso lang tinawag na kami nila Sir Jake para maghapunan. Pagkatapos namang kumain, nag-swimming naman kaming magka-kaklase sa dagat kaya hindi ako makatakas.

Humanap ako ng tiyempo para kausapin si Miles. "Miles may sasabihin ako sayong importante." Dinala ko siya sa parte ng dalampasigan na walang tao bago sabihin sa kanya ang sinabi ni Sirius.

"Anong plano mo friend?" Tanong niya sakin pagkatapos kong magkwento.

"Gusto kong pumunta dun. Wala pa kasi akong nakilala na ibang fairies bukod kay Nanay at Tatay."

"Pero paano ka pupunta dun e sinabi ng mga kasama nating profs na off-limits satin yung gubat?"

"Mamayang hatinggabi. Papatulugin ko silang lahat tapos pupunta kami ni Sirius sa gubat."

"Paano kung may magising sa kanila habang nasa gubat kayo tapos hinanap ka?"

"Papatulugin KO sila, ibig sabihin, gagamitin ko ang kapangyarihan ko. Magpapalit-anyo ako kaya hindi pwedeng may magising sa kanila baka makita nila ko habang fairy ako."

"Basta 'wag kayo masyado magtagal sa gubat ha? Hihintayin ko kayong makabalik."

******

Nung matutulog na lahat, nagpunta ako sa C.R. sa second floor para magpalit-anyo at para gamitan ng mahikang pampatulog ang lahat ng mga kasama namin maliban kay Miles. Wala dapat sa kanila ang magising dahil baka may makakita samin ni Sirius.

Napadilat ako nung may kumatok sa pinto ko.

"Aya si Miles 'to. Tulog na silang lahat. Nagulat ako bigla na lang nakatulog si Mark habang nagsasalita. Naumpog pa nga sa headboard."

Binuksan ko ang pinto at lumabas na ko ng banyo.

"Miles pwede bang palit muna tayo ng phone? Naka-charge kasi yung akin e. Tawagan mo kagad ako 'pag may magigising na sa kanila."

"Okay. Mag-iingat ka dun ha? 'Wag ka na kaya tumuloy? Baka mapahamak ka e." Nag-aalalang sabi sakin ng kaibigan ko.

"Gusto kong makakita ng iba pang katulad ko Miles. Buong buhay ko, sila Tatay lang ang kilala kong diwata. Gusto kong malaman kung ano yung mga nangyayari ngayon sa mundo ng diwata at kung bakit kailangan namin nila Tatay tumira dito sa mundo niyo."

"Tanungin mo na lang sila Tita imbes na maghanap ka ng mga diwata na hindi mo naman kilala."

"Nararamdaman kong may tinatago sakin sila Nanay. At hindi din naman nila sinasabi sakin ang buong dahilan kung bakit nagpapanggap kaming tao e."

"Pero Bes.."

Hindi ko na pinatapos si Miles sa gusto niyang sabihin. "Kailangan na namin umalis. Limang oras lang gagana yung kapangyarihan ko sa kanila. We need to come back before my magic wears out. I'll take care of myself so don't worry too much okay? Besides, kasama ko si Sirius and he won't let anything happen to me."

"Basta bilisan niyo lang ha?" Niyakap niya ko nang mahigpit.

Tumakbo na ko palabas ng bahay gamit ang kapangyarihan ng mga diwata. Kapag gamit ko 'yun, mabilis lahat ng kilos ko. Sa sobrang bilis, walang makakakita sakin na dumadaan. Tanging hangin lang ang mararamdaman nila.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now