5 - JET'S CINDY-RELLA

9.7K 294 4
                                    

Chapter 5


JET'S CINDY-RELLA


Pagkatapos naming kumain ng lunch, bumalik kami kaagad sa classroom. Wala pa kaming klase pero kailangang pag-usapan ng block namin kung ano ang ipe-perform namin para sa general assembly namin next week. We only have five days left to plan and practice our performance dahil Monday na ang assembly.


May tatlong second year college students ang nagsasalita sa harapan ng classroom. Silang tatlo ang tutulong sa preparation namin.


"So may mga naisip na ba kayong idea kung ano gusto niyong i-present? It has to be creative and/or funny, dapat mag-enjoy yung audience niyo. Bongga yung prize this year kaya dapat i-aim niyong manalo." Sabi ni Ate Sophie.


"Last year, ang ginawa ng block namin ay gay pageant. Pumili kami ng sampung boys na contestants. At dahil natawa at nag-enjoy ang mga judges sa presentation namin, kami ang nanalo." Kwento naman ni Ate Jazel.


"Pero nasa inyo naman kung ayaw niyo ng comedy. Depende na yan sa mga talents niyo. May mga magsa-suggest ba?" Si Kuya Eiman naman ang nagsalita.


Sabay-sabay na nagsalita yung mga kaklase namin. Yung iba gusto mag-dance prod na lang kami. Meron ding nag-suggest na concert daw para pwedeng kanta at sayaw. Pero walang unique sa mga ideas na binibigay nila dahil nagawa na daw yun ng previous batches.


Nagtaas ng kamay yung isa naming kaklase. "E kung gawan na lang po kaya namin ng spoofs ang mga sikat na movies?"


Napangiti naman yung tatlong nagpe-preside ng meeting. "That's actually a good idea." Sabi ni Kuya Eiman.


"You can put a comedic spin on popular movies." Ate Sophie.


"Oh lahat ba kayo agree sa suggestion na 'yun? It's unique and your creativity will be tested in making your spoofs. Paano niyo ba gustong i-present yun? Will you act it in front of the school like a play?"Tinanong kami ni Ate Jazel.


Para namang nag-alinlangan yung karamihan dahil baka daw makalimutan yung lines kapag play ang ginawa namin. May naisip naman akong idea kaya nagtaas na ko ng kamay. Napansin naman kaagad ako ni Kuya Eiman kaya sinenyasan niya ko na tumayo at magsalita.


"Bakit po hindi na lang nating gawing parang movie premiere kunwari where the "stars" will walk sa red carpet as our entrance tapos yung mga spoofs po will be projected na lang on a white screen na parang movie trailers. I-divide na lang po natin yung class by groups tapos bigyan yung bawat groups ng movie na ivi-video. Tapos may mga awards din kunwari, tapos yung mga speeches ng mga mananalo will also be funny." Ang haba nung sinabi ko. The whole time I was talking was nerve-wracking because I can feel that they were all staring at me.


"I think magiging malakas ang chance niyo to win. Mukhang nasa inyo kasi ang mga magaling mag-isip ng ideas e." Binigyan ako ng malaking ngiti nila Kuya Eiman. "What's your name again?" Tanong niya sakin.


Namula naman yung mukha ko dahil sa papuring sinabi niya. "Cha-chandria po." Pautal-utal at pabulong kong sagot bago ko umupo ulit.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon