EPILOGUE

11.3K 333 42
                                    

EPILOGUE

The Princess of Light may have sacrificed her life for that of the Prince, but the ones who loves her gave it back.

From her sacrifice blossomed a love nurtured by two fairies who are opposite in nature, yet perfectly blends together.

And two years after that fateful night where they both cheated death, their union as husband and wife is to be celebrated in the place where they meet in dreams.

In front of an altar made of branches and decorated by hundreds of different blooms, they vowed to love each other 'til eternity in front of their family, friends and fairies of both kingdoms.

With butterflies flying around the garden and birds singing in the trees, Prince Jethro and Princess Chandria also received the title of the King and Queen of the dark fairies.

"May you lead our fairies in the path of the righteous for more than a hundred years and may you be blessed with many little fairies." Said the mother of the Prince as she laid her husband's crown upon her son's head.

The previous King then turned to Princess Aya to give her the Queen's tiara. "May the dark and white fairies continue to live in harmony under your reign. Lead our fairies with a firm hand and a soft heart Queen Aya. And never forget all the sacrifice that brought you together." He gave her a kiss on the cheeks before turning to the guests. "I now present to you the King and Queen of the dark fairies, King Jethro and Queen Aya."

When the applause and cheers died down, the crowned king of the white fairies King Ricarlo and his human wife Cindy went up to Aya and Jet to present to them a gift from the kingdom of the white fairies. Next to greet them were their human friends, Miles and Mark. And lastly, Aya's adoptive and biological parents.

Masayang ipinagdiwang ng mga dark at white fairies ang pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalang nilalang pati na ang kapayapaan na namayani sa pagitan ng dalawang kaharian habang patakas na nilisan ng bagong mag-asawa ang kasiyahan.

******

Sa kwarto ng mag-asawa matapos ang pagdiriwang, niyakap ng Haring Jet mula sa likuran ang kanyang Reyna. "Sa wakas, mag-asawa na tayo ngayon aking Reyna. Nung umalis ako sa kaharian noon para takasan ang mga masamang plano ng aking ina, pumunta ako sa mundo ng mga mortal dahil malakas ang pakiramdam ko na doon ko matatagpuan ang bagay na hinahanap ko. I've always felt incomplete and my heart kept on searching for something that would give it peace. Ang buong akala ko ay nakakaramdam ako ng pangungulila para sa isang bagay na hindi ko alam dahil sa sumpa. Pero nung nakita kita sa panaginip ko, doon lang naging payapa ang puso ko. You were the one my heart was longing for even before we met. And I thank my lucky stars that I found you."

Humarap naman ang Reyna sa kanyang mister at matamis na hinagkan ang labi nito. Nang maputol ang mainit nilang paghahalikan, nagsalita si Aya. "Maraming salamat Jet sa paghihintay sakin at sa pagmamahal mo. Katulad mo, hindi ko din magawang makuntento noon kahit pa perpekto ang naging buhay ko bilang tao. May mapagmahal na magulang, may matalik na kaibigan, masaganang buhay pero lahat ng 'yun hindi lubos na nakapagpasaya sakin. I thought being able to fulfill my role as a fairy, a godmother, would be a step to feeling accomplished. I tried my best to pair you up with someone else and I almost broke my heart in the process. Buti na lang kakampi ko ang tadhana. Nailihis niya ang lahat ng plano ko at pinagtagpo niya ang puso natin. At habang buhay kong aalagaan ang binigay niyang regalo sakin. Ngayon na mag-asawa na tayo, wala na kong mahihiling pang iba bukod sa malulusog na mga supling."

Pilyong ngumiti naman ang Hari da narinig niya. "Bakit hindi natin bigyang katuparan ngayon ang kahilingan mong magkaroon ng supling aking Reyna?" Tukso niya sa babae bago higitin ang suot nitong damit-pangkasal.

Impit na napatili sa gulat si Aya habang hinihiga siya sa kama ni Jet ngunit buong pusong niyang tinugon ang bawat paglalambing nito.

Sa dalawang taon nilang mag-nobyo, ngayon pa lamang nila pagsasaluhan nang lubos ang tamis ng pagmamahalan nila kaya naman kapwa sabik sila sa isa't-isa.

******

And nine months after they were wed, a new prince was born into the fairy world. A being who inherited the powers of his parents and whose future is as bright as the sun.

"Kamukhang-kamukha ko siya aking Reyna." Sabi ni Jet sa kanyang asawa habang karga-karga ang bagong silang nilang anak.

Napagod man siya sa panganganak, pinilit pa rin ni Aya na 'wag munang matulog dahil nais niya pang pagmasdan ang kanyang mag-ama. Humahagikgik na sinagot niya ang mister. "Hindi naman kataka-taka na kamukha mo siya Jet. Siyempre ikaw ang tatay niyan. Isa pa, alam kong sinigurado mong mabubuntis kaagad ako nung gabi ng kasal natin. Wala ka kayang kapaguran nung gabing 'yun."

"Huwag mo nang ipaalala sakin aking asawa dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't agad nating masundan ang panganay natin." Ginawaran niya ng halik ang noo, ilong at labi ng asawa bago niya ito tabihan sa kama para pareho nilang mapagmasdan ang kakisigan ng anak nila.

"Mula noon hanggang ngayon, ikaw pa rin ang kumukumpleto sakin Aya. Ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ng puso ko. Salamat sa pagliligtas mo sakin and for giving meaning to my life and being." Malambing na sambit ni Haring Jet.

Matamis na nginitin naman siya ni Aya. "At ikaw pa rin ang labis na nakapagpapasaya sa puso ko. Ikaw at ang anak natin ang pinakamahalaga sakin."

Bago pa maghinang ang kanilang mga labi, isang impit na ungol ang pumukaw sa kanilang atensyon. Nakita nilang matamang nakatingin sa kanila ang sanggol.

"Ano kayang magandang ipangalan sa kanya?" Tanong ng Reyna habang marahang hinahaplos ang mataba at mapupulang pisngi ng bata.

"Kung babae ang anak natin, gusto ko sana ang Jandria. Pinaghalong pangalan nating dalawa." Sagot ni Jet.

"Kung Jandrio na lang? Panglalaking version ng Jandria?"

Napangiti si Jet bago bumaling sa anak nila. "Ikinagagalak ka naming makilala Prinsipe Jandrio."

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now