13 - ONCE UPON A TIME

7.6K 239 24
                                    

Chapter 13

ONCE UPON A TIME

"Aya gumising ka na! Nag-alarm na yung cellphone mo." Sabi ni Miles kasabay ng malakas na pagyugyog sakin.

Kahit na gusto ko pang ipagpatuloy ang naudlot kong tulog, napilitan akong bumangon. Kailangang mas maaga akong magising kaysa sa mga kasama namin dito sa resort dahil kailangan ko pang bumalik sa gubat para puntahan ulit ang diwatang nakausap ko kagabi.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay sinamahan ako ni Miles hanggang sa may bukana ng gubat. "Sigurado ka bang mag-isa ka lang pupunta dun? Paano kapag masama pala talaga yung diwatang kinaibigan mo kagabi? Pano kung saktan ka niya dahil iniisip niyang hamak na tao ka lang?"

"Ako na ang bahala sa sarili ko okay? I'm not some harmless human kaya hindi ka na dapat mag-alala. Kayang-kaya ko yun. Ako pa!" Pagmamayabang ko sa kanya.

Napag-usapan na namin kagabi ni Sirius na hindi na niya ko sasamahan ngayong umaga kaya hindi na siya nakisali pa sa usapan namin ni Miles.

Isa pa, kaya niya namang sumugod dun kaagad kapag naramdaman niyang kailangan ko ng tulong dahil katulad ko ay may kapangyarihan din siya kaya hindi na siya masyadong nag-aalala para sakin.

"Basta mag-iingat ka ha. Ako malalagot kila Tita 'pag may nangyari sayo." Paalala ulit sakin ng bestfriend ko.

"Promise! Basta dito niyo na lang ako hintayin ha?" Sabi ko bago ko pasukin ang mapunong gubat.

Ilang minuto pa kong naglakad bago ko marating ang lugar kung saan ko kikitain ang diwata. Pagdating ko dun, nakita kong nandun na siya pero hindi siya nag-iisa. May tatlo pa siyang kasama. Mabilis kong pinakiramdaman ang mga itim na diwatang kasama niya at napabuntong-hininga ako nung malaman kong mabubuti din sila kagaya ng nakilala ko kagabi.

Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa kanila para magpakilala. "Ako si Aya. Ako yung kaibigan ng diwatang nakilala kagabi ng isa sa inyo." Nilahad ko pa ang isang kamay ko para makipag-kamay sa kanila pero nagtatakang tiningnan lang nila ito.

Lumapit kaagad sakin ang diwatang tinulungan ko nang magsalita ako. "Ako yung tinulungan ng kaibigan mo kagabi. Sabi niya sakin matutulungan mo daw kami sa paghahanap sa aming Prinsipe. Kasama mo ba ang kaibigan mong diwata?" Tanong niya sakin.

"Hindi ko na siya kasama. Umalis na siya kagabi pagkatapos niyang sabihin sakin ang tungkol sa inyo." Pagsisinungaling ko.

"Paano kung may kailangan akong sabihin o itanong sa kanya? Paano ko siya makakausap ulit?"

"Ako na lang ang mag-aabot sa kanya ng mga mensahe niyo. Hindi na daw kasi siya pwedeng makipagkita sa inyo dahil nagtatago din siya sa mundo namin. Pero 'wag kayong mag-alala kasi tutulong din siyang hanapin kung sinuman yung hinahanap niyo sa abot ng makakaya niya. Sana daw maintindihan niyo yung kalagayan niya."

"Paano mo ba kami matutulungan hanapin ang Prinsipe namin?" Tanong ng isa pang diwata kaya nabaling sa kanya ang paningin ko.

"Ah? Pwede bang magpakilala muna kayo kasi hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa inyo e." Napakamot pa ko sa ulo. Wala kasi sa kanila ang nagpakilala sakin kaya wala akong maitawag sa kanila.

Unang nagpakilala ang diwata na niligtas ko. Madali ko siyang nakilala dahil sa mahaba at kulot niyang buhok. "Ako nga pala si Sedric. Kinagagalak kong makilala ang isa sa mga kaibigan ng nilalang na nagligtas sakin." Yumuko pa siya pagkatapos niyang magsalita.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now