12 - SEARCH FOR THE 3RD SIDE

6.8K 239 7
                                    

Chapter 12

SEARCH FOR THE THIRD SIDE

"At dahil mas mataas ang kanyang posisyon, siya ang sinusunod ng karamihan." Dugtong ko sa sinabi niya.

"Oo. Pero madami kaming sang-ayon sa Prinsipe at lahat kami ay tinakwil ng kaharian namin. Tanging ang Prinsipe na lang ang pag-asa namin para makabalik kami sa teritoryo ng mga itim na diwata." Malungkot na kwento niya.

"Bakit ba hindi sang-ayon ang Reyna sa anak niya?"

"Dahil mahal na mahal ng Reyna ang kanyang anak."

"Anong kinalaman nun sa 'di nila pagkakasunduan?" Parang naguluhan ako lalo sa sinabi niya.

"Kapag nasunod ang gusto ng Prinsipe, yun ang magiging dahilan ng kamatayan niya." Nakakakilabot na sabi ng itim na diwata.

"Anong ibig mong sabihin? Mamamatay ang Prinsipe niyo kapag nagkasundo lahat ng mga diwata?"

"Parang ganun na nga. Hindi namin alam kung bakit at paano yun mangyayari pero yun ang dahilan ng Reyna kaya hanggang ngayon ay naglalaban parin ang lahi natin."

"Wala ka bang paraan para malaman ang buong kwento? Madaming kulang sa sinabi mo. Hindi ko maintindihan e." Katulad ng matagal ko nang pinaniniwalaan; "There are three sides to every story. Yours, theirs and the truth." Pero sa pagkakataong 'to, ang ang kwento ng mga itim at puting diwata ang nagtatalo.

"Kahit kaming mga itim na diwata hindi alam ang buong storya pero ang sabi samin, nung pinanganak ang Prinsipe, may propesiya tungkol sa kanya. At yun ang dahilan kung bakit naging magkalaban ang itim at puting diwata." Kwento niya pa ulit.

"Alam mo ba ang nakasaad sa propesiyang yun? Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung papaano. Kailangan ko munang malaman lahat ng detalye para makapagplano ako." Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sakin na malaki ang pwede kong maitulong sa problemang 'to. I have this strong gut feeling that I know the key to solving whatever it is our race is fighting about.

Saglit na napaisip ang itim na diwata. "Tanging ang mga dugong bughaw lang ang nakakaalam ng nilalaman ng propesiya. Kung gusto mo talagang makatulong siguro simulan mo sa pagtulong samin na hanapin ang Prinsipe. Siya lang naman sng makakapagkwento ng gusto nating malaman."

******

Pagkatapos namin mag-usap ng diwata sa gubat, bumalik na kami sa bahay dahil tumawag na si Miles para pabalikin na kami dahil mukhang hindi na mahimbing ang tulog nila Mark dahil lumilikot na sila sa kama.

"Ano na nangyari sa lakad niyo? Grabe! Kabadong-kabado ako kanina. Hindi nga ako makatabi kay Jet dahil hindi ako mapakali kaya dun na lang ako tumambay sa terrace." Mabilis at tuloy-tuloy na bulong ni Miles pagkalapit niya samin ni Sirius.

"Kalma lang. As you can see, tumupad ako sa pangako ko. Wala ni isang galos."

"Pumasok ka na sa banyo at magpalit-anyo ka na. Bilisan mo! Mababaw na lang yata tulog nila e." Pabulong na sabi niya pero may diin ang tono niya kaya alam mong seryoso siya.

Nagmadali naman akong sumunod sa kanya. Walang pwedeng makaalam kung sino ako. Oo nga at nagpakita ako sa itim na diwata kanina pero hindi niya alam ang itsura ko bilang tao. At bukas 'pag pumunta ulit ako sa gubat para kausapin siya magpapanggap ako bilang kaibigan ng puting diwatang nakausap niya ngayong gabi. Hindi niya pwedeng malaman ang parehong anyo ko dahil baka ikapahamak ko 'yun.

Hangga't hindi ko nalalaman kung ano ang dahilan ng pag-aaway ng dalawang kaharian ng mga diwata, hindi ko pwedeng sabihin ang sikreto ko sa mga nilalang na hindi ko lubos na pinagkakatiwalaan. It's best to play it safe than be sorry.

Isa pa, hindi lang ako ang pwedeng manganib sa mga gagawin ko. Ilalagay ko din sa kapahamakan ang magulang ko pati na ang mga taong malalapit sakin. Kaya kailangan ko talagang mag-ingat. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now